
20/09/2024
Isa ka din ba sa nakadanas ng ganito. Habang naglalaro nakatingin ka sa sapatos ng iba. Naiinggit at palaging sabi sa sarili na balang araw makakabili din ako niyan.
Ilang taon din akong naglalaro ng basketball. Pero ni minsan di ako nakapag suot ng sarili kong sapatos. Palaging hiram kay tropa, kay pare at kahit sinong kakilala makapaglaro lang. Sumasabak din sa mga pa liga pero sapatos kong dala hiram ulit kay tropa. Nakakahiya pero okay lang kasi hilig natin laro nato. Aaminin ko na kaya naman bumili pero may mas prioridad na gampanin sa buhay. Kaya set aside na lang muna. Kasi BALANG ARAW, MAKAKABILI DIN AKO NIYAN.
After 22 years, nakabili din. At proud akong sabihin na, Badi may sarili ka ng sapatos.