20/08/2026
•| Nanawagan si Atty. Rowena Guanzon sa Office of the Ombudsman na sampahan ng perjury complaint si retired Marine Sgt. Orly Guteza matapos nitong bawiin ang nauna niyang salaysay kaugnay ng umano’y “maleta” cash deliveries.
“Ombudsman should file a perjury complaint against Guteza and add him as accused with Romualdez,”
(“Dapat sampahan ng Ombudsman ng reklamong perjury si Guteza at isama siyang akusado kasama ni Romualdez.”)
Binigyang-diin na ginamit mismo ng Ombudsman ang naunang affidavit ni Guteza bilang bahagi ng ebidensiya laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
“Ombudsman cited Guteza’s affidavit as one of the pieces of evidence against Martin Romualdez and now bumaliktad siya. Siyempre dahil sa maleta,”
( “Ginamit ng Ombudsman ang affidavit ni Guteza bilang isa sa mga ebidensiya laban kay Martin Romualdez, pero ngayon ay bumaligtad siya. Siyempre, dahil sa maleta.”)
Nauna nang binawi ni Guteza ang kanyang mga pahayag tungkol sa umano’y paghahatid ng mga maleta ng pera kay Romualdez at sinabing wala siyang personal na kaalaman sa ilan sa mga transaksiyong dati niyang inangkin na nasaksihan.
Sa kanyang recantation, idinawit din ni Guteza sina Sen. Rodante Marcoleta at dating Rep. Mike Defensor sa umano’y pagbuo ng kanyang naunang salaysay. Mariin namang itinanggi ni Guanzon ang pagkakadawit sa kanya matapos sabihin ni Guteza na inalok umano sa kanya ang numero ng isang “Atty. Guanzon” para tumulong sa kanyang affidavit.
Samantala, sinabi na rin ng Office of the Ombudsman na pinag-aaralan ang posibilidad na isama sa plunder case ang mga dating bodyguard na bumawi sa kanilang mga naunang salaysay.