20/11/2025
Buhay Truck Driver.....
Walang matinong tulugan,
wala sa tamang oras ng pagkain,
Madalas, kahit sa pagdumi kailangan mo pang hanapin.....
700/800 ang per byahe ng isang driver....
Pagkakasyahin ang 300/200 na budget sa isang araw...
Madalas 2 beses na lang kumakain sa isang araw
Dahil, 1 litrong tubig 25 pesos na....
1/2 na ulam swerte mo kung makuha kapang 35 pesos G na...
2 kanin isang kain 30 pesos...
Kapag inantok bibili ng kape 15 pesos sa kalsada yung iba ay 20 pesos pa....
Sa makatuwid...
Kailangang 500 pesos ang matitira sa rate ng isang driver.... Kada araw...
Kapag minamalas pa ay pagkadating mo sa didiliviran mo ay hindi kapa marerecieve dahil umabot ka sa cutoff... Kaya need mo hintayin yung susunod na batch na magrerecieve...Sa iba, ang tawag dun ay TUKOD.....
SA paningin ng marami, magaan lang ang trabaho ng isang Truck Driver.
Ang hindi nila alam ay doble ang pasakit na obligasyon at responsibilidad na pinapasan ng mga truck driver... Hindi lang driver ng truck ang tinutukoy ko.... Kahit naong klaseng driver ang maisip mo ay pareho ang dinidiscribe ko na responsibilidad, hindi man sa aspeto or sistema na maaari mong maihalintulad sa trabaho mo ngayon.
Salute sa mga nakarelate... Both drivers and helpers ang nakakaranas nyan.....
Sa mga nagtatanong kung bakit pa ako nagtruck driver???? Isa lang po kasi ang tawag dun..
SAKRIPISYO. para may makain ang pamilya...
Drive safe mga buddy..