08/08/2025
๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐ ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ธ๐ฎ-๐ณ๐ด ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ
โ๏ธ: Danise Zussane S. Torres
Ngayong Agosto 8, 2025, matagumpay na ipinagdiwang ang ika-78 anibersaryo ng Dr. Vicente F. Gustilo Memorial National High School. Ang buong araw ay naging pagkakataon para sa pagbabalik-tanaw, pasasalamat, at pagdiriwang ng mga tagumpay ng paaralan at ng bawat Vicentinian.
Nagsimula ang selebrasyon bandang alas-otso ng umaga sa pagbubukas ng marker sa JHS Gate 1. Sinundan ito ng panalangin, pambungad na pananalita, at panunumpa ng katapatan mula sa mga departamento, organisasyon, g**o, at kawani. Ang pagbubukas ng marker ay nagsilbing pagpaparangal sa kasaysayan ng paaralan. Matapos nito, inawit ang Alma Mater Song bilang paalala ng pagkakakilanlan ng bawat Vicentinian. Sumunod ay isang parada patungo sa estatwa ni Dr. Vicente F. Gustilo, sa pangunguna ng Vicentinian Drum and Lyre, bilang paggalang sa tagapagtatag ng paaralan.
Pagsapit ng ikasiyam ng umaga, isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa City Hall I. Ang military march ng C.A.T Officers ay nagpakita ng disiplina at pagkakaisa. Ang pag-aalay ng bulaklak ay sumisimbolo ng pagmamahal at pagpapahalaga sa paaralan. Isang mensahe ang ibinigay upang magbigay-inspirasyon sa mga Vicentinian na patuloy na magsikap at maglingkod sa komunidad. Sinundan ito ng ika-78 na sayaw mula sa Vicentinian Mahidaiton Dance Troupe, na nagpakitang-gilas ng talento at kultura ng paaralan. Muli ring inawit ang Alma Mater Song upang pagtibayin ang diwang Vicentinian.
Dakong ikatlo ng hapon, idinaos ang isang banal na misa sa School Dome na nagbigay-diin sa espiritwal na aspeto ng pagdiriwang.
Ang pinakahihintay na Foundation Anniversary Program ay nagsimula bandang ika-apat ng hapon sa School Dome. Pormal na pumasok ang mga panauhin, g**o, kawani, at mga mag-aaral na kumakatawan sa ibaโt ibang organisasyon at departamento ng paaralan. Sinundan ito ng panalangin at awiting makabayan na nagpapaalala ng responsibilidad sa Diyos at sa bayan.
Naghandog muli ng sayaw ang Mahidaiton Dance Troupe, kasunod ng isang makulay na Wine Parade. Ang pagpasok ng banner at mace ng paaralan ay nagdagdag ng dangal sa okasyon.
Sa bahagi ng Toast to Legacy, isinagawa ang anniversary cake slicing kasama ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang sektor ng paaralan. Nagtapos ang gabi sa masayang Founding Anniversary Music Jam.
Ang ika-78 na anibersaryo ng Dr. Vicente F. Gustilo Memorial National High School ay nagsilbing patunay ng pagkakaisa, pagmamahal, at pagpapahalaga ng mga Vicentinian sa kanilang paaralan. Ito ay isang araw ng alaala, inspirasyon, at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan.
----
Anyo ni Sean Uriel Rosal
Mga kuhang larawan ng VSSLG, MAPEH Club, at ni Bb. Angielyn Miraflores