
23/04/2025
ESTUDYANTE, LUMUHOD SA LTO OFFICER DAHIL SA PAGLABAG, NABIGYAN NG TULONG AT SEMINAR SA AKLAN.
Ganyan sana .Hindi YUNG IKAW NA NGA WALANG LICENSE IKAW PA MATAPANG .😅
Isang estudyante ang nag-viral matapos magpakumbaba, lumuhod, at magmakaawa sa isang LTO traffic enforcer nang mahuli siyang nagmamaneho ng motorsiklo nang walang driver’s license. Ang insidente ay nakatawag ng pansin ng mga netizens, na naging daan upang matulungan ang nasabing estudyante.
Ayon sa ulat mula kay Land Transportation Office (LTO) Aklan Head Engr. Marlon Velez, tinulungan ng kanilang opisina ang estudyanteng ito upang makakuha ng student permit. Sumailalim siya sa isang libreng theoretical driving course seminar at nabigyan din ng libreng medical certificate.
"Today I met the student who went viral on social media a week ago. He was apprehended for driving a motorcycle without a driver’s license. He begged, cried, and kneeled before the law enforcer that caught the attention of netizens. Today he was issued a student permit after availing a free theoretical driving course seminar conducted by our office and a free medical certificate," bahagi ng pahayag ni Velez.
Bukod dito, inihayag din ni Velez na nagkaisa ang ilang indibidwal para ma-renew ang rehistro ng motorsiklo ng estudyante. Nakakuha rin ito ng bagong helmet mula sa mga nag-sponsor na insurance companies, media personalities, at vloggers ng Aklan.
Ginalauman nga mangin disiplinado na nga driver ang estudyante nga nag-viral sa social media bangud nga nagluhod kag nagahilibion nga nagpakitluoy sa traffic enforcer nga nagdakop sa iya bangud nga wala ini sang driver’s license.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagpasalamat si Velez sa lahat ng tumulong sa estudyante at pinaalalahanan ito na sundin ang batas trapiko. Aniya, siya mismo ang magbibigay ng traffic violation ticket kung sakaling maulit ang paglabag.
"There is no more reason or alibi from him to violate traffic laws, for I gave him a stern warning that I will personally cite him a traffic violation ticket if he ever does it again," pahayag pa ni Velez.
Ang istoryang ito ay isang paalala sa lahat ng motorista na sundin ang batas trapiko at maging responsable sa kalsada.