
09/05/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Mayo 7, 2025 - Nagkaisa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang sa isang proyektong pagtulong sa mga kabataan sa Brgy. Zone 2, Purok Barilea.
Sinimulan ito sa pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sinundan ito ng panalangin, at pag-awit ng Himno ng Cadiz.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Ms. Jona D. Gabayeron. Tagapayo ng SSLG. Ipinakita ni Eliana Ruth O. Monana at Niel Arcillas ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsalaysay ng maikling kwento.
Maya-maya, tinuruan ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang ang mga bata tungkol sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.
Nagkaisa at nagsaya ang lahat sa larong "Eco Bingo" na inihanda ng mga opisyales ng SSLG.
Ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay nagtanghal sa pamamagitan ng isang dulang pantanghalan na kung saan sila'y kumanta at umarte na nagpakita ng responsibilidad natin sa ating mga basura at kapaligiran.
Nagkaroon ng salo-salo na inihanda ng mga opisyales ng SSLG para sa kanila. Pagkatapos, ibinahagi nina Eliana Ruth O. Monana at Niรฑo Johrem Dormido ang kanilang adbokasiya tungkol sa ating inang kalikasan.
Pinangunahan naman ni Wesley A. Tangao ang Environmental Pledge na kung saan nangako ang lahat ng dumalo na magiging responsable sila sa kanilang mga basura at sa kanilang paligid.
Natapos ang programa sa pagbigay ng mga sertipiko ng partisipasyon at mga school supplies sa mga bata. Ang kaganapang ito ay hindi lang nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na matulungan, nagbigay din ito ng leksyon at mga alaalang hindi malilimutan sa mga opisyales ng SSLG at sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang.
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข: ๐๐ฎ๐ณ๐ณ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ง
๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ: ๐๐ก๐๐ฌ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐๐ฒ ๐๐ง๐