11/02/2025
magingat tayo mga kababayan..
π΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅ππ΅π
β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈ
Naka high alert ang Palawan at Basilan ngayong Martes, Feb. 11, kasunod ng Long March 8A rocket launch ng China na nakatakdang mag-take off mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan.
Naunang itinakda ang nasabing launch noong Jan. 25 at na-reschedule ngayong araw. Mayroon itong isang launch window sa pagitan ng 9:22 a.m. at 10:16 a.m.
Bilang paghahanda, naglabas ang Office of Civil Defense (OCD) ng advisory na nagdedetalye sa tatlong designated drop zones kung saan inaasahang bumagsak ang mga debris ng nasabing rocket.
Ang updated coordinates para sa nasabing zones ay ang mga sumusunod:
DROP ZONE 1:
N11 54 E116 48
N12 38 E116 14
N12 58 E116 40
N12 14 E117 14
Approximate distance: 85 nautical miles from Rozul Reef.
DROP ZONE 2:
N10 19 E117 52
N11 10 E117 14
N11 13 E117 49
N10 45 E118 28
Approximate distance: 40 nautical miles from Puerto Princesa, Palawan.
DROP ZONE 3:
N06 44 E120 37
N07 36 E119 59
N07 55 E120 26
N07 04 E121 03
Approximate distance: 33 nautical miles from Hadji Muhtamad, Basilan.
Paalala ng Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko, huwag lapitan o hawakan ang debris dahil maaaring mayroon itong toxic substances.
Hinihikayat ang mga residente at mariners na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang pinaghihinalaang debris sightings.