06/12/2025
Electrical Grounding
Electrical Grounding (Grounding/Earthing) ay ang pagkonekta ng electrical system o appliances sa lupa (ground) gamit ang wire(green)at grounding rod.
Layunin nito ang kaligtasan at proteksyon ng tao at kagamitan.
Bakit mahalaga ang grounding?
Proteksyon sa kuryente
– Kung may short circuit, overload, o sirang insulation, dadaloy ang kuryente papunta sa lupa at hindi sa katawan ng tao.
Iwas sunog
– Tinutulungan nitong pababain ang sobrang kuryente para hindi mag-overheat ang wiring.
Proteksyon sa appliances
– Nakakapaglabas ito ng static at stray electricity kaya mas tumatagal ang appliances.
Safety sa kidlat
– Tinutulungan din ng grounding system na ilabas ang kuryente ng kidlat sa lupa sa halip na sa electrical system.
Mga bahagi ng grounding
Ground rod – metal rod na nakabaon sa lupa
Ground wire (Green o Bare Copper) – kumokonekta mula rod patungo sa panel o outlet
Grounding bar / bus bar – nasa panel kung saan nakakabit lahat ng ground wires
Electromech.
⚡️RNP Electric.⚡️🇵🇭