21/07/2023
Nathaniel Jhon Estrera
Born :October 2 2021
Ang daming tumawa at di naniwala.
Kahit saan ako pumunta kinukutya ako ng mga tao
Pero yun talaga ang totoo.
Di ko alam na 7 months and 3 weeks na akong buntis .
Walang prenatal sa heath center, as in wala lahat.
Wala akong ni isang idea may bata na sa tyan ko kasi never ako naglihi , yung laki ng tiyan ko sakto lang naman (malaki talaga puson ko kasi tabain ako)Walang ipon para sa darating na kabuwanan.
Isa pang problema kasagsagan ng pandemic para magpunta ng hospital.
Isa akong caesarian mom sa panganay ko kaya daming dapat asikasuhin para matransfer ang case ko sa city mula sa baryong kinagisnan ko.
Ang dami kong tiniis na salita sa naghandle ng case ko kasi wala talaga akong record ni isa na nagbuntis ako at dahil dun mahirap ako matransfer directly sa hospital .
Kulang na sa time kasi buwan na lang manganganak na ako. Ilang beses ako bumalik para lang may pumirma na doctor para payagan ako magtransfer. Minsan natulala nalang ako pero sabi ko sa sarili ko 'itutuloy ko to".Kalaunan may naawa din at nabigyan ako ng transfer paper.
Nung natransfer naman ako ng hospital , nadetained ako sa loob kasi inubo ako and sobrang strict ng hospital kasi nga pandemic. Sa isang buong kwarto ako lang mag -isa dun habang hinigintay ang result ng test if positive ako ng covid. Ilang oras lumabas na ang result -negative . Buti naman. Pinasok na ako sa room kung saan ako mag uundergo ng cs. Nanginginig tuhod ko nun. Di mapaliwanag na takot kahit second time na.
Yun nga nanganak na ako pero 24 hours akong di nakainom ng gamot kasi nakalimutan nung nurse since separated kami ng room kasi nga inubo ako. Sobrang sakit ng tahi pero tuloy lang ang laban. Ayaw kong tumagal sa hospital kaya ako din naglakad ng iba kong papers para makauwi na kami. Andyan yung inakyat ko ang 4rth floor para lang magpasignature ng paexit namin. Mahirap magstay ng matagal sa hospital.
Nakauwi din kami after 3 days dala ang aming surprise baby. Thank you Lord.
Minsan sa buhay natin ang mga hirap ai memories nalang kasi nalampasan na natin. Nakakaproud na natapos natin ang laban ng buhay. Yun bang blessing in disguise. Kaya sa lahat ng patuloy na lumaban , kapit lang. Lahat ng hirap ay mapapalitan din ng tagumpay.
Huwag natin isipin ang sasabihin ng tao. Importante wala kang ginawang masama. Hayaan mo sila. Tuloy ka lang.Masarap makamit ang tagumpay na pinaghihirapan. Gob bless sa ating lahat.
My Family
-Khen-