13/06/2022
Dear Human Beings;
God created animals and He told us to take care of them. Tayo ang inatasan dahil tayo ang pinakamataas na antas na nilalang. Tayo ang may utak na kayang mag isip. Tayo ang may puso na marunong makaramdam. Nasan ang isip at puso?
Ang problema, ang mga tao wala ng mga awa. Wala ng pakialam sa mga animals na may pakiramdam din. All for the sake of money.
Panginoon, maawa ka po sa mga hayop na nilalang mo na di na pinahahalagahan ng mga taong pinagkatiwalaan mo.
Ikaw bilang tao, kaya mong matulog sa isang bahay na di ka na makagalaw sa sikip?
Kaya mong kumain na ang pagkain mo nasa lupa lang?
Kaya mong matulog sa lugar na iniihian at tinataehan mo?
Okay lang sayo na tignan ka lang ng pamilya mo na may galis at nagugutom?
Okay lang sayo na sipain ka pag nanghihingi ka?
Okay lang sayo na di ka pansinin kahit umiiyak ka na?
Okay sayo na ibilad ka sa kainitan ng araw?
Okay sayo na tumira araw araw kasama ang ibang tao na nagsisiksikan? Alam mo ba ang pakiramdam ng nagsisiksikan? Kung nakakita ka ng rally na nagsisiksikan at may nahihimatay at nahihilo sa init, yon ang nararamdaman ng mga hayop na nagsisiksikan sa kulungan. Ang iba natatapakan na sa sobrang sikip.
Ang mga hayop ay nakakaramdam din ng init, pagod gutom at uhaw. Mahirap pa kasi di sila nakakapagsalita. Pero tayo bilang tao alam natin yon dahil binigyan tayo ng PUSO na nakikiramdam at UTAK na nag iisip. Madaling malaman kung okay ba sila base sa mata nila at katawan.
Huwag puro pera. Kung pahihirapan mo lang din at gugutomin at ilalagay sa kulungan na masikip at mabaho at puro sugat? Ang tanong ka pa ba?
Kaya mo bang sabihin sa Diyos, na Panginoon inalagaan ko ang mga hayop na napunta sa mga kamay ko kapag tinanong ng Diyos paano mo inalagaan ang mga hayop na iniwan N'ya sa pangangalaga mo?
Gamitiin ang PUSO upang damdamin ang nararamdaman nila.
Gamitin ang UTAK upang isipin ang kabutihan nila.
Wag yong puro PERA PERA na lang palagi.