
15/07/2025
Kung marunong lang siyang magsalita, matagal ka na niyang tinanong, 'Mahal mo pa ba ako ngayong matanda na ako o minahal mo lang ako noong tuta lang ako?'
Alam mo ba kung gaano kahaba ang oras para sa isang a*o?
1 taon mo = 7 taon niya.
1 buwan mo = 7 buwan niya.
1 araw mo = 1 linggo niya.
At ang 1 oras mo lang = 7 oras niyang naghihintay.
Kapag lumabas ka ng 10 minuto lang, para sa kanya, higit isang oras kang nawala.
Kaya kapag hindi mo siya pinansin buong araw, para sa kanya, isang linggong iniwan mo siya. Tahimik siyang naghihintay,
tinitingnan lang ang pinto, umaasang babalik ka agad at pansinin mo siya kahit sandali.
Alam mo ba kung bakit umiikot siya sa sulok pag gutom?
Hindi siya nagpapapansin, Nahihiya siyang istorbohin ka.
Kahit kumakalam na ang tiyan niya, mas pipiliin niyang manahimik
kaysa masigawan.
Bakit siya tahimik pag napalo?
Hindi dahil hindi masakit, Kundi dahil takot siyang baka hindi lang palo ang susunod.
Bakit kahit masakit ang paa niya, sumusunod pa rin siya sayo?
Kasi baka 'yun na ang huling pagkakataong makasama ka niya.
At bakit kahit galit ka, siya ang unang lalapit sayo?
Dahil kahit ikaw ang nanakit, siya pa rin ang gustong magpatawad.
Araw-araw siyang nabubuhay sa takot na baka hindi ka na bumalik sa tuwing umaalis ka, Pero hindi siya sumusuko, Hindi siya umaalis, Hindi siya lumalayo, Hindi siya nagtatanim ng galit.
Hindi sila marunong magsalita, pero araw-araw silang sumisigaw sa loob-loob nila,
Tahimik lang sila, pero bawat tingin nila puno ng tanong,
‘Anong mali kong nagawa para saktan mo ako?’
Marunong silang masaktan, pero walang kakayahang lumaban.
Walang boses, Walang laban.
Kaya ang taong kayang manakit ng hayop, ang pinaka-duwag sa lahat!
Bakit mo sila kinuha kung hindi mo kayang mahalin?
Para saan ang tali kung ikakadena mo lang sila sa kalungkutan?
Para saan ang pagkain kung puro sigaw at takot ang kasabay?
At kung balak mo rin lang silang iwan, bakit mo pa sila pinaniwala na may taong kayang magmahal ng totoo sa Isang hayop na tulad niya?
Wala silang hinihingi kundi kaunting pagmamahal, Pero madalas, yun pa ang ipinagkakait natin.
At ang pinakamasakit? Kahit gano’n ang trato mo,
mahal ka pa rin nila, hanggang sa huli.
Ang meron lang siya, ay isang pusong kahit wasak na, mahal ka pa rin.
Kaya bago mo siya balewalain, sigawan, saktan, o pabayaan…
Tandaan mo, Hindi habangbuhay ang hininga niya dahil ang Isang taon sa Buhay natin ay pitong taon sa Buhay niya!