13/12/2025
Sabi nga ni Miss Toni Gonzaga you have to set boundaries...❤️❤️❤️
Kapag in a relationship ka na, you have to set boundaries, kasi kahit anong ingat mo, kung wala kang boundaries, ma-fa-fall ka pa rin sa ibang tao. Yes, mahal mo partner mo, pero without boundaries, there is a posibility to get attracted sa ibang tao. Kaya you have to remind yourself to stop being close sa hindi mo partner. Huwag na huwag mag-coconfide sa hindi mo partner, and ang problema nyong mag-partner sa inyo lang dapat yan.👍
Minsan di mo mapapansin na nagiging comfortable ka na sa ibang tao. Yung tipong kwentuhan lang at tawanan, pero unti-unti ka nang nagiging emotionally available. Dyan nagsisimula ang mga problema na sana hindi mangyari kung may boundaries ka.👍
Normal naman na ma-appreciate mo ang ibang tao, pero iba yung appreciation sa attachment. Kapag ramdam mong lumalampas ka na sa limit, humakbang ka paatras. Choice mo lagi kung paano mo poprotektahan ang relationship mo.👍
Remember, hindi lang pagmamahal ang nagpapatibay ng relasyon, kundi disiplina. Kailangan mong bantayan hindi lang actions mo, pati intentions mo. Kasi minsan dun nagsisimula ang unfaithfulness, sa maliit na bagay na pinabayaan.👍
Communication is the key, pero may limits iyon kapag opposite s*x or someone na pwedeng makaapekto sa relasyon mo. Hindi lahat ng problema dapat ikwento sa iba, lalo na kung partner mo ang involved. Mas maganda pa rin na kayong dalawa ang mag-aayos.👍
At the end of the day, loyalty is not just about avoiding cheating. Loyalty is choosing your partner every single day, kahit may temptations around you. Kaya set your boundaries and protect your peace and your relationship.❤️❤️❤️