21/09/2025
Bilang mga Pilipino, obligasyon nating magbayad ng buwis. Pero ang masakit, hindi natin ramdam kung saan ito napupunta. Dapat sana, malinaw ang balik sa atin: maayos na kalsada, de-kalidad na ospital, mas magandang serbisyo para sa lahat.
Sa halip, paulit-ulit na lang ang balita tungkol sa korapsyon at maling paggamit ng pondo. Para bang walang katapusan.
Hindi mali na mag-demand tayo ng transparency at accountability. Karapatan nating malaman kung saan napupunta ang pinaghihirapan ng bawat isa. Kung ang buwis ay mapupunta sa tama, malayo na sana ang narating ng Pilipinas.