
06/08/2025
𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | Salamin ng Diwa, Tinig ng Puso, Isang Makulay na Pagdiriwang ng Pasalitang Tula
Ang Capitol University Senior High School, sa pangunguna ng Sandigan ng Capitolyan sa Filipino (SACAFIL), ay nagbigay-parangal sa yaman ng ating wika at kultura sa pamamagitan ng Pasalitang Tula nitong Buwan ng Wika 2025. Naganap ang makasaysayang pagdiriwang na ito noong ika-6 ng Agosto, 2025. Dinalumat ng mga estudyante ang husay at damdamin sa bawat taludtod mula sa malalim na paglalarawa hanggang sa masigabong palakpakan.
Sa AVR Room 6&7 ng IT Building, nagtagpo ang mga na naghatid ng tinig, tindig, at tibok ng puso para sa Filipino. Bawat tagpo’y puno ng tapang, talino, at pagmamahal sa sariling wika.
Apat na estudyante mula sa iba't ibang seksyo sa ika-12 na Baitang ang sumali sa paligsahan upang maipakita ang kanilang kasanayan sa pag-iisip, pagsulat, at paghahatid sa tula na may buong emosyon.
Habang pito naman estudyante mula sa Ika-11 Baitang ang lumahok sa paligsahan ng pasalitang tula upang ibahagi ang husay sa paglikha, pagbigkas, at pagpapahayag ng damdamin sa bawat taludtod
Hindi matatawaran ang tapang at galing ng bawat kalahok. Ngayong tapos na ang elimination round, abangan kung sinu-sino ang mga papasok sa finals. Ang official listahan ng mga top winners ay iaanunsyo sa Augusto 13.
Mga Salita nina Rigel Miñoza at Mark Bautista
Larawan nina Shakirah Gabutan at Louis Bangot (OJT)