18/05/2026
๐๐๐๐ฝ๐ผ ๐ฝ๐๐๐๐ผ โgood herbโ sa Spanish. Sa Pilipinas, ito yung Mentha ร villosa o Mentha arvensis โ isang uri ng mint na isa sa 10 halamang gamot na ineendorso ng DOH.
๐ผ๐ฃ๐ค ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐จ๐ช๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ค?
Mabango at gumagapang na halaman, 20-40 cm ang taas. Dahon ay 1.5-4 cm, pahaba na medyo hugis itlog, may ngipin-ngipin sa gilid at kulubot. Bulaklak ay lila hanggang bughaw. Tinatawag din itong hilbas, herba buena, peppermint, o spearmint.
๐๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐ฝ๐ช๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐๐ก๐๐ฃ๐ฉ:
1. Pampawala ng sakit / Analgesic
Ito ang pinaka-kilala at napatunayan sa clinical trial. Kasing bisa ng paracetamol para sa katamtaman hanggang matinding sakit pagkatapos ng tuli, bunot ng ngipin, at panganganak. May compound itong Menthalactone na may pain-relieving effect.
๐๐๐๐ฃ๐ค ๐๐๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ:
Tsaa: Hugasan, tadtarin at durugin ang 2 kutsaritang dahon. Pakuluan sa 1 tasang tubig 15-20 min. Uminom ng 1 tasa kada 3 oras para sa pananakit.
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ:
1. Durugin ang dahon, pigain sa bulak, at ikagat sa sumasakit na ngipin.
Para sa sakit ng ulo: Painitin nang bahagya ang dahon at itapal sa noo o sentido.
2.๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฎ๐๐จ,๐ฌ๐ข๐ฉ๐จ๐ง, ๐ญ๐ซ๐๐ง๐ค๐๐ฌ๐จ, ๐๐ญ ๐ฅ๐๐ ๐ง๐๐ญ.
Tradisyonal na gamit sa ubo, sipon, at lagnat. Uminom ng tsaang yerba buena 3x a day.
3.๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐๐๐ , ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐, ๐๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฐ๐๐ง.
Carminative at antispasmodic ito โ nakakarelax ng bituka at nagpapalabas ng hangin.
Paano: Pakuluan 4 kutsarang tinadtad na dahon sa 1 tasang tubig 5 min. Inumin habang maligamgam.
4. ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ญ๐ก๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ฆ๐.
Paano: Painitin ang sariwang dahon sa mahinang apoy, dikdikin, at itapal na mainit-init pa sa apektadong kasukasuan.
5. ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ก๐ข๐ฅ๐จ, ๐ฆ๐ข๐ ๐ซ๐๐ข๐ง๐, ๐๐ญ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ.
Inaamoy ang dinurog na dahon para sa pagkahilo. Nakakatulong din magpakalma ng nervous system dahil sa menthol.
6. ๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ญ:
Pang-mumog para sa bad breath
Pang-langaw sa kagat ng insekto: Dikdikin at itapal
Pampurga sa bulate. Pang-regla: Para sa menstrual cramps dysmenorrhea
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐I ๐ฅ๐๐ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ข๐๐ฌ: antibacterial, antiviral, antihypertensive, antitumor, at anthelmintic. Pero ang analgesic/pain reliever pa lang ang na-test sa tao.
๐๐ ๐ ๐๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข: capsule, tsaa, essential oil, patch, ointment, at sariwang dahon. May Yerba Buena tablet na rin na dinevelop ng UP Manila.
โ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐:
Huwag sosobra sa 3 buwan ang tuloy-tuloy na pag-inom ng capsule.
Para sa seryosong sakit, magpatingin pa rin sa doktor. Herbal ito pero hindi pamalit sa resetang gamot kung kailangan.