
11/10/2025
๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ | ๐ช๐๐๐ง๐๐๐ฅ ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง: Nagbabala ang City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) na posibleng makaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan, kalakip ng kulog, kidlat, at malalakas na hangin ang ilang bahagi ng Bukidnon, Misamis Oriental, at Lanao del Norte sa loob ng susunod na isa hanggang dalawang oras dahil sa thunderstorms.
Apektado ang mga sumusunod na lugar:
Bukidnon: Manolo Fortich, Baungon, Libona, Sumilao, Malitbog, Kitaotao, Damulog, Kibawe, Dangcagan, Kadingilan
Misamis Oriental
Lanao del Norte: Iligan City, Tagoloan
Samantala, ang iba pang bahagi ng Bukidnon tulad ng Talakag, Don Carlos, Pangantucan, Kalilangan, Maramag, Valencia City, Malaybalay City, Quezon, San Fernando, Cabanglasan, Lantapan, at Impasug-ong ay nakaranas na ng katamtaman hanggang paminsang malakas na pag-ulan na sinabayan ng pagkidlat at malalakas na hangin.
Sa Cagayan de Oro, madilim ang kalangitan habang mahina ang ulan sa ilang bahagi ng Libona (Mampayag, Dahilayan, Lindaban), Baungon, at Talakag.
Sa kasalukuyan, normal ang antas ng tubig sa mga ilog ng Cagayan at Iponan.
Patuloy ang monitoring ng CDRRMD, at pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng epekto ng biglaang buhos ng ulan tulad ng flash flood at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na bulubundukin o malapit sa daluyan ng tubig.
Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป ๐๐ผ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ ๐ต2.๐ณ ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ท๐ฎ๐บ ๐๐ถ๐๐ต ๐ฎ๐น๐น ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ณ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ต๐ถ๐๐!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030
Source: ORO-CDRRMD