14/10/2025
Habang patuloy ang Estados Unidos sa pagpigil sa China sa larangan ng shipbuilding, naglabas ng matinding parusa ang China laban sa limang U.S. subsidiaries ng South Korea’s Hanwha Ocean!
Ayon sa China, tumulong daw ang mga kumpanyang ito sa mga aksyon ng U.S. laban sa Chinese maritime industry —
at ngayon, pinagbawalan na silang makipagkalakalan sa mga kumpanyang Tsino.
Isang babala ito sa mga kumpanyang nasa gitna ng dalawang higante:
kapag pumili ka ng panig… kailangan mong harapin ang dagok.
Ang tanong ngayon:
Hanggang saan aabot ang tensyon sa pagitan ng China at U.S.?
At paano maaapektuhan ang mga bansang tulad ng South Korea — na nasa gitna ng labanan ng dalawang superpower?