V.A Sayee

V.A Sayee This page would be all about tutorial, online jobs and personal commentary.

08/07/2025

Enjoy low InstaPay fees

08/07/2025

Qur’an Reading with Auntie Aleema ✨
Alhamdulillah for Auntie A'leema! My kids are so lucky to have her guiding them to read the Qur’an, one verse at a time. Her patience and love make this journey so special for them. 💕📖

There’s no greater blessing than family teaching faith. May Allah reward Auntie A'leema for every letter my kids learn. Feeling proud and grateful!

14/06/2025
Krizette Laureta Chu, kunwari nagtatanong ka lang tungkol sa unliquidated funds ni Leila de Lima, pero sa totoo lang, lo...
16/05/2025

Krizette Laureta Chu, kunwari nagtatanong ka lang tungkol sa unliquidated funds ni Leila de Lima, pero sa totoo lang, loaded na agad ang premise. Kaya sagutin na natin nang malinaw, para hindi naliligaw ang taong bayan sa mga tanong na may kasamang pasaring.

1. Ang unliquidated ay hindi disallowed. At higit sa lahat, naayos na ito.

Totoo, noong 2015, sa panahon ni Leila de Lima, may 123.8 million pesos na confidential funds sa DOJ na tinaguriang unliquidated. Pero ayon sa COA reports ng 2016 at 2018, ito ay isyu lang ng accounting compliance, kakulangan sa liquidation documents mula sa ilang special disbursing officers. Hindi ito anomalya. Naresolba ito, walang disallowance, at walang personal liability.

Walang utos na isauli ang pera. Walang kasong isinampa. Wala ring ebidensya ng maling paggamit. At ang mga liquidation documents ay naisumite din kalaunan. Tapos ang usapan, na-liquidate at naayos bago pa man siya umalis sa DOJ.

2. Pero ang kaso ni VP Sara Duterte, may aktwal na disallowance mula sa COA.

Noong 2022, ang Office of the Vice President ni Sara Duterte ay nakatanggap ng 125 million pesos na confidential funds para sa buong taon. Ginastos ito lahat sa loob ng 11 araw. Hindi ito biro.

Mula sa mga resibong may maling petsa, hindi mabasang pangalan, at kulang na detalye, lumabas na 73 million pesos dito ay binigyan ng Notice of Disallowance ng COA. Ibig sabihin, ayon sa batas, kailangan ibalik ang halagang ito sa kaban ng bayan.

Hindi ito simpleng pending liquidation. Hindi ito pa-isa-isang kulang na papel. Ito ay opisyal na pasya ng COA na hindi maipagtanggol ang paggastos.

3. Mas malala pa, noong 2023, may 164 million pesos na confidential funds din ang na-flag ng COA.

Sa 375 million pesos confidential funds ng OVP at DepEd na hawak ni Sara Duterte noong 2023, 164 million pesos ang na-flag ng COA dahil sa mga irregularidad tulad ng hindi sapat na resibo at detalye. Halos kalahati ng pondo ay may isyu.

Samantala, ang isyu kay Leila ay zero disallowance matapos maayos ang liquidation. Ang isyu kay Sara ay may disallowance na, at may mga bagong pondo pa na naka-flag sa sumunod na taon.

4. Legal na kaibahan: unliquidated ay hindi disallowed.

Ang unliquidated ay nangangahulugang hindi pa naisusumiteng liquidation report. Maaring ayusin, ipasa, at tapusin.

Ang disallowed ay may pormal na ruling mula sa COA na mali ang paggastos, labag sa patakaran, at kailangang ibalik ang pera.

Ang una ay administrative. Ang pangalawa ay pormal na finding ng iregularidad.

Ito ang malinaw na linya:

Leila de Lima 2015:

- 123.8M unliquidated confidential funds
- Naayos, walang disallowance
- Accounting compliance issue pero naresolba

Sara Duterte 2022–2023:

- 125M in 11 days in 2022
- 375M in 2023
- Status ng COA: 73M disallowed in 2022, 164M flagged in 2023
- May irregularities, kailangang ibalik ang pondo

Ngayon, kung ang tanong ay “paano kaya yung line of questioning ni Leila,” siguro ang sagot ay: base sa mga public records at COA findings, may karapatan pa rin siyang magtanong. Dahil naayos ang isyu, walang disallowance, at wala siyang iniiwasang accountability.

At kung tanong lang din ang usapan, pwede rin naman kaming magtanong: bakit sa dami ng COA findings sa confidential funds ni VP Sara, bakit parang bihira kang magtanong?

Tl;dr: Krizette Laureta Chu’s framing as a “question” is clearly a rhetorical tactic, not a neutral inquiry. The facts show a clear difference in treatment and outcome: De Lima’s case was administrative and resolved, while Sara Duterte’s involves formal disallowances and ongoing irregularity flags.



Support your favorite unpaid troll-slayer. Your donation helps fight misinformation and fuels my chismis with receipts: https://www.facebook.com/share/p/1ZnstFdqTo/?mibextid=wwXIfr

16/05/2025

SPONSORSHIP SPEECH: SBN 1304 or the Free Higher Education for All Act.

16/05/2025

WATCH: Senate Interpellations on SBN 1304 or the Free Higher Education for All Act.

16/05/2025

WATCH: Senator Ping Lacson gives credit to Kaya Natin! Chairman, Sen. Bam Aquino for the passage of the Law for Free College.

Thank you for setting the record straight, Sen. Lacson!

"Kapag napapagusapan ang libreng matrikula sa kolehiyo, ang unang naiisip ko, si Senador Bam Aquino. Alam kong siya ang nagtiyagang itulak ito sa Senado bilang author at Principal Sponsor ng Free Tuition Law. Kung ako lang masusunod, magandang makabalik si Senator Bam sa Senado." - Sen. Lacson

Ang hilig talaga ng iba magbasa ng minutes, pero hindi marunong umintindi ng konsepto ng batas. So let’s break this down...
14/05/2025

Ang hilig talaga ng iba magbasa ng minutes, pero hindi marunong umintindi ng konsepto ng batas. So let’s break this down, airtight, by the book, and backed by official records.

Una: "Wala si Bam sa conference committee"? Mali. Nandun siya. Official Senate records dated May 22, 2017, clearly state that Senator Paolo Benigno "Bam" Aquino IV was one of the four designated Senate conferees to the Bicameral Conference Committee on the Universal Access to Quality Tertiary Education Act, along with Senators Escudero, Gatchalian, and Recto. This isn’t speculation. This is from the Senate Journal and Legislative Information System. So strike one: your claim is factually wrong.

Pangalawa: Conference Committee is indeed important, pero ito ay isang bahagi lang ng buong legislative process. If you think that’s where the real work is, then you clearly don’t understand how laws are passed. Here’s how it works:

Principal sponsorship means the senator leads the defense, explanation, and debate of the bill on the Senate floor. That is the most technical, grueling, and thankless part of lawmaking. From interpellations, amendments, budget provisions, to policy alignment — lahat iyon dinadaanan ng principal sponsor.

Bam Aquino was the principal sponsor of Senate Bill No. 1304. He didn’t just put his name on it — he delivered the sponsorship speech, answered every interpellation (Lacson, Gatchalian, Recto, Gordon, De Lima, Ejercito), authored and defended amendments, and shepherded the bill from First Reading to Third Reading, where it passed unanimously with 18 votes in favor, zero against.

So if you're trying to minimize his role just because the House version had 98 authors, that’s legislative padding, not legislative leadership. Bam didn't need 98 names. He needed grit, brains, and floor presence — and he delivered.

Pangatlo: Senate Bill 1304 is not a side note. It is the Senate half of the final Republic Act No. 10931. Both the House Bill and Senate Bill were consolidated in the Bicam, and Bam Aquino’s version was part of that reconciliation. After the Bicam, the consolidated version was ratified by both Houses, enrolled, and signed into law by President Duterte.

At para lalo mong maintindihan kung gaano kahalaga ang ginawa niya, here’s what his co-senators — from different parties — said:

Senator Ping Lacson: "Siya talaga ang nag-labor para maipasa. Siya ang nagtulak. Ang daming gusto mag-claim ng credit, pero kay Bam 'yan."

Senator Joel Villanueva: "Major, major kasangga si Bam sa Free Tuition Law."

Senator Franklin Drilon: "He was instrumental in making the free college law a reality."

President Rodrigo Duterte, no ally of Aquino, even said in a public speech: "In fairness to him, he helped in crafting the law."

Source: https://web.senate.gov.ph/press_release/2019/0329_aquino1.asp

So ano pa bang ebidensya ang kailangan mo?

This isn’t about clout-chasing or credit-grabbing. This is about acknowledging who actually did the work. Kahit sinong nag-aaral ng legislative process, kahit sinong nagtuturo ng Political Science o Public Administration, alam — principal sponsor ang utak at tagapaglaban ng batas sa Senado.

Bam Aquino’s authorship is officially documented. His principal sponsorship is a matter of record. His participation in the Bicameral Conference Committee is in the Senate journal. His defense of the bill is on video and in the Senate transcripts. You can’t erase that with a list of names.

Kaya sa susunod na magmamagaling ka gamit ang legislative receipts, siguraduhin mong buo ang babasahin mo, hindi lang yung part na akala mong panalo ka. Bam Aquino didn’t just co-author the law — he was the architect of its Senate passage.

And no amount of desperate credit-claiming can change that.

Ctto Nutribun Republic

Free education had been lobbied long before Bam Aquino arrived in the Senate. Without the political will of PRRD, that bill would’ve collected cob webs until today.

It could’ve been written by anyone really. What really matters is the commitment of the executive to fund and implement the program. Laws like this require assurances from the chief executive otherwise it will mean totally nothing.

Take note that Bam Aquino was a Senator in 2013. He had 3 full years or the 16th Congress to make it a law under his cousin’s presidency but wasnt able to. You know the reason why.

Hi Lakwatserong Engineer AKA ang paborito kong tao na may master’s degree in confident stupidity,Malinaw na hindi mo nai...
14/05/2025

Hi Lakwatserong Engineer AKA ang paborito kong tao na may master’s degree in confident stupidity,

Malinaw na hindi mo naiintindihan ang proseso ng paggawa ng batas.

Bam Aquino was not just a co-author. He was the principal sponsor of RA 10931. Sa ilalim ng legislative process, ang principal sponsor ang may pinakamabigat na responsibilidad—siya ang naghahain ng panukala, siya ang nag-eexplain ng intent, siya ang humaharap sa interpellation, committee debates, amendments, at bicameral conference. Siya ang nagtutulak nito mula first reading hanggang maipasa sa both houses of Congress. Walang sponsor, walang batas.

Ang pagiging principal sponsor ay hindi dekorasyon sa papel. Iyon ang pinaka-critical na papel para matiyak na ang panukala ay hindi lang maipasa kundi mapondohan at maisakatuparan nang maayos. Lahat halos ng senador ay puwedeng co-author. Pero iisa lang ang principal sponsor na may full accountability at burden of passage. Sa Free College Law, si Bam Aquino iyon.

Ang pagiging principal sponsor ay parang pagiging arkitekto ng gusali. Maraming puwedeng tumulong maghalo ng semento o magpintura, pero ang arkitekto ang may pananagutan sa plano, integridad, at pagkatayo ng buong estruktura. Kung hindi ikaw ang nagdisenyo, nagbantay, at nagtulak sa buong proyekto, hindi mo puwedeng angkinin ang obra.

Ang pagsasabing “co-author lang siya” ay hindi lang mali kundi isang pagtatangkang burahin ang aktwal na paggawa ng batas. Pinalalabas ninyong ang pumirma sa dulo ang tunay na may ambag, kahit sa katotohanan, trabaho lang ng Presidente ang magpirma o mag-veto. Hindi ito special achievement kundi mandato ng Konstitusyon.

At ‘yung komento nitong isa na “bobong kabataan,” mas magandang balikan niya ang sarili niyang pag-unawa. Ang mga kabataang ito ang nag-aaral, nagtatanong, at nagbibigay halaga sa kung sino talaga ang gumawa ng batas. Samantalang kayo, nag-aastang eksperto pero hindi alam ang kaibahan ng author, sponsor, at signatory.

Panghuli, si Duterte ay hindi author, hindi sponsor, at lalong hindi siya ang dahilan kung bakit naging batas ang Free College Law. Pinirmahan niya ito dahil obligado siya. Ang tagumpay ng batas na ito ay hindi dahil sa kanya, kundi sa mga taong nagsulat, nagtulak, at nagtiyagang ipaglaban ito sa loob ng Kongreso.

Ang kredito ay binibigay sa gumawa ng trabaho. Hindi sa dumaan lang para pirmahan sa dulo.

Dapat talaga may IQ test bago ka makagamit ng social media para hindi nakakapasok ang mga ganitong klase ng kabobohan. Ang dali-daling mag-Google, pero mas pinili mo pang ikalat ang misimpormasyon na parang badge of honor ang pagiging ignorante. Hindi ka na nga nakatulong, naging threat ka pa sa collective intelligence ng bansa. Kung baga sa kalsada, ikaw 'yung sasakyang walang preno at diretso sa bangin, tapos isasama mo pa kami

Naka-block ako sa gunggong na ito, kaya paki-comment sa kanya itong post ko.

Lubos na nagtataka kung paano ka nakalusot sa basic education,

Nutribun Republic

Hi Lakwatserong Engineer AKA ang paborito kong tao na may master’s degree in confident stupidity,

Malinaw na hindi mo naiintindihan ang proseso ng paggawa ng batas.

Bam Aquino was not just a co-author. He was the principal sponsor of RA 10931. Sa ilalim ng legislative process, ang principal sponsor ang may pinakamabigat na responsibilidad—siya ang naghahain ng panukala, siya ang nag-eexplain ng intent, siya ang humaharap sa interpellation, committee debates, amendments, at bicameral conference. Siya ang nagtutulak nito mula first reading hanggang maipasa sa both houses of Congress. Walang sponsor, walang batas.

Ang pagiging principal sponsor ay hindi dekorasyon sa papel. Iyon ang pinaka-critical na papel para matiyak na ang panukala ay hindi lang maipasa kundi mapondohan at maisakatuparan nang maayos. Lahat halos ng senador ay puwedeng co-author. Pero iisa lang ang principal sponsor na may full accountability at burden of passage. Sa Free College Law, si Bam Aquino iyon.

Ang pagiging principal sponsor ay parang pagiging arkitekto ng gusali. Maraming puwedeng tumulong maghalo ng semento o magpintura, pero ang arkitekto ang may pananagutan sa plano, integridad, at pagkatayo ng buong estruktura. Kung hindi ikaw ang nagdisenyo, nagbantay, at nagtulak sa buong proyekto, hindi mo puwedeng angkinin ang obra.

Ang pagsasabing “co-author lang siya” ay hindi lang mali kundi isang pagtatangkang burahin ang aktwal na paggawa ng batas. Pinalalabas ninyong ang pumirma sa dulo ang tunay na may ambag, kahit sa katotohanan, trabaho lang ng Presidente ang magpirma o mag-veto. Hindi ito special achievement kundi mandato ng Konstitusyon.

At ‘yung komento nitong isa na “bobong kabataan,” mas magandang balikan niya ang sarili niyang pag-unawa. Ang mga kabataang ito ang nag-aaral, nagtatanong, at nagbibigay halaga sa kung sino talaga ang gumawa ng batas. Samantalang kayo, nag-aastang eksperto pero hindi alam ang kaibahan ng author, sponsor, at signatory.

Panghuli, si Duterte ay hindi author, hindi sponsor, at lalong hindi siya ang dahilan kung bakit naging batas ang Free College Law. Pero tama rin na bigyan siya ng credit—pinirmahan niya ito kahit may mga adviser siyang kontra. Hindi lahat ng Presidente may tapang para gawin iyon. Kaya oo, may ambag siya. Pero huwag niyong burahin ang mas malaking ambag ng mga nagpakapagod sa loob ng Kongreso—mula committee hearings hanggang bicam—dahil hindi nagsusulputan ang batas mula sa pirma lang.

Ang kredito ay binibigay sa gumawa ng trabaho. Hindi sa dumaan lang para pirmahan sa dulo.

Dapat talaga may IQ test bago ka makagamit ng social media para hindi nakakapasok ang mga ganitong klase ng kabobohan. Ang dali-daling mag-Google, pero mas pinili mo pang ikalat ang misimpormasyon na parang badge of honor ang pagiging ignorante. Hindi ka na nga nakatulong, naging threat ka pa sa collective intelligence ng bansa. Kung baga sa kalsada, ikaw 'yung sasakyang walang preno at diretso sa bangin, tapos isasama mo pa kami.

Naka-block ako sa gunggong na ito, kaya paki-comment sa kanya itong post ko.

Lubos na nagtataka kung paano ka nakalusot sa basic education,

Nutribun Republic



Support your favorite unpaid troll-slayer. Your donation helps fight misinformation and fuels my chismis with receipts: https://www.facebook.com/share/p/1ZnstFdqTo/?mibextid=wwXIfr

02/05/2025

Address

Cagayan De Oro City

Telephone

+639074991686

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when V.A Sayee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to V.A Sayee:

Share