Jesus I trust in you

Jesus I trust in you Believe and listen the the words of the Savior 🙏 Almighty God Jesus Christ 😇🙏

19/01/2026

Sabi Ng Aking Ama Ang Makapangyarihang Diyos:

‭“Narito ang lingkod ko na aking pinalalakas ang loob. Pinili ko siya at akoʼy nagagalak sa kanya. Sumasakanya ang aking Espiritu, at papairalin niya ang katarungan sa mga bansa. Hindi siya sisigaw o magsasalita nang malakas o magtataas ng boses sa mga lansangan. Hindi niya pababayaan ang mahihina ang pananampalataya at hindi niya tatalikuran ang mga nawalan ng pag-asa. Matapat niyang papairalin ang katarungan. Hindi siya manghihina o mawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.” Ito ang sinabi ng Diyos, ang Panginoon na lumikha ng langit na iniladlad niyang parang tela. Nilikha niya ang mundo at ang lahat ng naroroon. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga tao at sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa mundo. “Ako ang Panginoon na tumawag sa iyo para ipakita na akoʼy matuwid. Tutulungan at iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Gagawin kitang ilaw na magbibigay-liwanag sa mga bansa, para imulat ang mga mata ng mga bulag, at magpalaya sa mga binihag na ikinulong sa madilim na bilangguan. “Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o ibahagi sa mga diyos-diyosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin. Tingnan mo! Ang mga bagay noon ay nangyayari na, at ngayon ang ipinapahayag ko ay mga bagong bagay na; bago pa mangyari ang mga ito, ipinapaalam ko na saʼyo.” Panginoon

18/01/2026

Sabi Ng Aking Ama Ang Makapangyarihang Diyos:

Hindi siya manghihina o mawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.”
Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar. Purihin ninyo siya, kayong mga bayan na nasa ilang at kayong mga taga-Kedar. Umawit kayo sa tuwa, kayong mga taga-Sela. Isigaw ninyo ang pagpupuri sa tuktok ng mga bundok. Parangalan ninyo at purihin ang Panginoon kayong mga isla. Ang Panginoon ay lulusob tulad ng isang bayaning makisig, siyaʼy darating tulad ng isang mandirigma, puno ng galit. Isisigaw niya ang kanyang hudyat sa digmaan, at lulupigin niya ang lahat ng kanyang kaaway. “Sa mahabang panahon nagsawalang-kibo ako; nanahimik ako at pinigilan ang sarili ko. Ngunit ngayon, tulad ng babaeng nanganganak, akoʼy sisigaw, hihingal at uungol. Gigibain ko ang mga bundok at mga burol, at lalantain ko ang mga pananim. Gagawin kong tuyong lupa ang mga ilog at patutuyuin ko ang mga sapa. Aakayin ko ang mga mamamayan kong bulag, sa landas na hindi pa nila nadaraanan, silaʼy aking gagabayan. Pagliliwanagin ko ang kadiliman sa kanilang harapan at papantayin ko ang mga baku-bakong daanan. Gagawin ko ang mga bagay na ito; hindi ko sila pababayaan. Ngunit ang mga nagtitiwala sa mga diyos-diyosan, at ang mga itinuturing na diyos ang kanilang mga imahen ay tatakas dahil sa malaking kahihiyan.

Sabi Ng AKing Ama Ang Makapangyarihang Diyos: “Kayong mga bingi at bulag, makinig kayo at tumingin!  Kayoʼy mga lingkod ...
18/01/2026

Sabi Ng AKing Ama Ang Makapangyarihang Diyos:

“Kayong mga bingi at bulag, makinig kayo at tumingin! Kayoʼy mga lingkod ko at mga pinili. Isinugo ko kayo bilang aking mga tagapagsalita, ngunit walang makakapantay sa inyong pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan. Marami na kayong nakikita ngunit hindi ninyo pinapansin. Nakakarinig kayo ngunit ayaw ninyong makinig!” Nais ng Panginoon na parangalan ang kanyang kautusan para ipakita na matuwid siya. Ngunit ngayon, ang kanyang mga mamamayan ay ninakawan, sinamsaman ng ari-arian, inihulog sa hukay o ipinasok sa bilangguan, at walang sinumang tumulong sa kanila. Mayroon ba sa inyong gustong makinig o magbigay halaga mula ngayon sa inyong narinig? Sino ang nagbigay ng pahintulot na nakawan si Jacob at samsaman ng ari-arian ang Israel? Hindi baʼt ang Panginoon, na siyang pinagkasalaan natin? Sapagkat hindi natin sinunod ang mga pamamaraan niya at mga kautusan. Kung kaya, ipinadama ng Panginoon ang matindi niyang galit sa atin sa pamamagitan ng pagpapahirap sa atin sa digmaan. Ang galit niyaʼy parang apoy na nakapalibot at sumusunog sa atin, ngunit hindi natin ito pinansin o inisip man lamang.

18/01/2026

Sabi Ng Aking Ama Ang Makapangyarihang Diyos:

Tatahipan mo sila at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng malakas na hangin. Ngunit ikaw ay magagalak sa Panginoon; magpupuri ka sa Banal na Diyos ng Israel. “Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong Panginoon ang tutulong sa kanila. Ako na Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila. Paaagusin ko ang tubig sa batis, dadaloy ito sa mga tuyong burol at magkakaroon ng mga bukal sa mga lambak. Gagawin kong tubigan ang ilang at ang mga lupang tigang ay magkakaroon ng mga bukal. Patutubuin ko sa ilang ang mga puno ng sedro, akasya, mirto, olibo, pino, enebro, at sipres, upang makita, malaman, at maunawaan ng mga tao na ang lumikha nito ay ako, ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel.” Sinabi ng Panginoon, ang Hari ng Israel, sa mga diyos-diyosan, “Sige, magreklamo kayo at mangatuwiran! Lumapit kayo at sabihin sa amin kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Sabihin ninyo sa amin ang inyong mga sinabi noon na mangyayari para malaman namin kung nangyari nga ito. Sabihin ninyo sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap para malaman namin na kayo ngaʼy mga diyos. Gumawa kayo ng mabuti o ng masama para kami ay magtaka at matakot sa inyo. Ngunit ang totoo, wala kayong silbi at wala kayong magagawa. Kasuklam-suklam ang mga taong pumili sa inyo para kayo ay sambahin. Pinili ko ang taong mula sa hilaga para mamahala. Dumudulog siya sa akin, at ngayon ay darating siya mula sa silangan. Wawasakin niya ang mga namamahala katulad ng pagyapak ng magpapalayok sa putik na gagawin niyang palayok. Sino sa inyo ang nakahula noong una pa na mangyayari ito para malaman namin at nang masabi naming tama siya? Ni isa man lang sa inyoʼy walang nagsabi, at walang nakarinig na mayroon kayong sinabi. Ako ang nagsabi nito noon sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Nagpadala ako ng isang mensahero para ibalita ang magandang balita na nariyan na ang tutulong sa kanila. Wala akong nakita kahit tumingin ako. Wala sa mga diyos-diyosan ang makapagpapayo. Ni isa sa kanilaʼy hindi makasagot sa aking mga tanong. Lahat ng mga diyos-diyosan ay walang kabuluhan, at walang magagawang anuman. Para silang lalagyan na puro hangin ang laman.”

17/01/2026

Sabi Ng Aking Ama Ang Makapangyarihang Diyos:

Sinabi ng Diyos, “Palakasin at pagaanin ninyo ang loob ng aking mga mamamayan. Magsalita kayo nang mahinahon sa mga taga-Jerusalem. Sabihin ninyo sa kanila na tapos na ang paghihirap nila, at pinatawad na ang kanilang mga kasalanan. Sapagkat pinarusahan sila ng Panginoon nang husto sa lahat ng kasalanan nila.” May sumisigaw na nagsasabi, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon; tuwirin ninyo ang landas sa disyerto para sa ating Diyos. Tambakan ninyo ang mga mababang lugar, patagin ang mga bundok at burol, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ng Panginoon, at makikita ito ng lahat ng tao. Mangyayari nga ito sapagkat ang Panginoon ang nagsasabi nito.” May nagsabi sa akin, “Mangaral ka!” Ang tanong ko naman, “Anong ipapangaral ko?” Sinabi niya, “Ipangaral mo na ang lahat ng tao ay parang damo, ang kanilang katanyagan ay parang mga bulaklak nito. Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag kapag hinipan ng hanging mula sa Panginoon. Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.” Kayong mga nagdadala ng magandang balita sa Zion, umakyat kayo sa mataas na bundok. Isigaw ninyo ang magandang balita sa Jerusalem. Lakasan ninyo, huwag kayong matakot. Sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda, “Nandito na ang inyong Diyos.” Tingnan ninyo, ang Makapangyarihang Panginoon ay dumarating upang ipamalas ang kanyang lakas, at mamumuno siya na may kapangyarihan. Paparating siyang dala ang kanyang natamo, ang kanyang gantimpala ay naglalakad sa kanyang harapan. Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang kawan. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa. Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat gamit ang kanyang palad, o makakasukat ng langit gamit ang kanyang kamay? Sinong makakapaglagay ng alikabok sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol? Sino ang makapagsasabi ng nasa isip ng Panginoon, o makapagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin? Kanino siya sumasangguni para maliwanagan, at sino ang nagturo sa kanya ng tamang pagpapasya? Sino ang nagturo sa kanya ng kaalaman, o nagpaliwanag sa kanya para kanyang maunawaan? Wala!

17/01/2026

Sabi Ng Aking Ama Ang Makapangyarihang Diyos:

Para sa Panginoon, ang mga bansa ay para lamang isang patak ng tubig sa timba o alikabok sa timbangan. Sa Diyos, ang mga pulo ay parang kasinggaan lamang ng alikabok. Ang mga hayop sa Lebanon ay hindi sapat na ihandog sa kanya at ang mga kahoy doon ay kulang pang panggatong sa mga handog. Ang lahat ng bansa ay balewala kung ihahambing sa kanya. At para sa kanya walang halaga ang mga bansa. Kaya kanino ninyo maihahambing ang Diyos? O saan ninyo siya maitutulad? Maitutulad nʼyo ba siya sa mga diyos-diyosang inukit ng tao at binalutan ng ginto ng platero at pagkatapos ay nilagyan ng mga palamuting pilak na kuwintas? O sa matitigas na rebultong kahoy na hindi basta nabubulok, na ipinagawa ng taong dukha bilang handog? Ipinagawa niya ito sa magaling umukit para hindi bumuwal. Hindi nʼyo ba alam o hindi ba ninyo napakinggan? Wala bang nagbalita sa inyo kung paano nilikha ang mundo? Nilikha ito ng Diyos na nakaupo sa kanyang trono sa ibabaw ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda upang matirhan. Inaalis niya sa kapangyarihan ang mga pinuno ng mundo at ginagawang silang walang kuwenta. Para silang mga tanim na bagong hasik sa lupa at halos hindi pa nagkakaugat. Hinihipan sila ng Panginoon at biglang nalalanta at tinatangay ng buhawi na parang ipa.
Tumingala kayo at tumingin sa langit! Sino ang lumikha sa lahat nang inyong nakikita? Siya na nagpalabas ng mga bituin ayon sa kanilang bilang at isa-isa silang tinatawag ayon sa kanilang pangalan. At dahil sa kapangyarihan at lakas niyang dakila, ni isa man sa kanila ay walang nawawala. Kayong lahi ni Jacob, bakit kayo nagrereklamo? Kayong mga mamamayan ng Israel, paano ninyo nasasabi ito: “Ang landas namiʼy nakatago sa Panginoon; hindi niya pinapansin ang aming karapatan”? Hindi nʼyo ba alam? Hindi nʼyo ba narinig? Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos na lumikha hanggang sa dulo ng mundo. Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang pang-unawa. Pinalalakas niya ang mga napapagod at ang mga nanghihina. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad silang gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

16/01/2026

I got over 700 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

Address

Zone 7, Apitong Street, Carmen
Cagayan De Oro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus I trust in you posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share