01/10/2025
https://www.facebook.com/share/1ACbzE6v2x/
๐๐๐, ๐๐ ๐๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฎ๐ญ๐จ๐ฌ ๐ง๐ข ๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ -๐ซ๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐-๐ ๐ซ๐๐ก๐๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐ญ๐
MANILA - Agarang umaksiyon ang Department of Budget and Management (DBM) sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mag-release ng P100 milyon bilang tulong sa mga naapektuhan ng tatlong sunod-sunod na bagyo sa Masbate.
โGumagalaw na ang proseso para sa mabilis na pagbaba ng pondo para sa madaliang pagbangon ng probinsya na grabeng sinalanta ng tatlong magkakasunod na bagyo, kung saan mismong ang Pangulo ang nakasaksi sa kalagayan ng higit 6,000 pamilya or 25,565 tao na nasa evacuation centers,โ pahayag ni Sec. Amenah Pangandaman.
Kasama sa menu ng local government support fund o LGSF ang pagbibigay suporta sa mga LGU sa oras ng kalamidad. Maaaring i-tap ng isang lokal na pamahalaan ang LGSF sakaling kulangin ang kanilang local disaster risk reduction management fund, at kung kulang pa rin ito, maaaari na silang mag-request ng karagdagang pondo mula sa NDRRMF.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, aabot sa 406,083 pamilya o katumbas ng 1,599,798 indibidwal mula sa 2,615 barangay ang naapektuhan. Tinatayang mahigit P63 milyon naman ang pinsala sa mga pananim o agrikultura at imprastruktura, habang higit sa isang libong silid-aralan ang napinsala at hindi na maaaring gamitin ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin ni Secretary Pangandaman na nakahanda ang DBM na agad sundin ang utos ng Pangulo upang matiyak ang mabilis na pagbangon ng mga Masbateรฑo. โAyon sa direktiba ni Pangulong Marcos, agad tayong kumilos upang mailabas ang kinakailangang pondo. Tungkulin naming tiyakin na makarating kaagad ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan,โ pahayag ng kalihim.
Idineklara na rin ng probinsya ang state of calamity upang mapabilis ang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, magamit ang calamity funds, at mas mapaigting ang koordinasyon sa pambansang pamahalaan. Ang pondong P100 milyon ay inaasahang tutugon sa pagkain, tirahan, gamot, at mga kagamitan para sa mga pamilyang nawalan ng bahay at kabuhayan.
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan. โHindi namin kayo iiwan. Ang pamahalaan ay nakahanda upang masiguro na ang bawat Masbateรฑo ay makakabangon mula sa dagok ng sunod-sunod na bagyo,โ pahayag ng Pangulo.
Ipinunto rin ng DBM na sisiguruhin ang pagiging tapat at maayos na paggamit ng pondo. Ang mga prayoridad ay malinaw: mabilis na relief operations, pagpapanumbalik ng serbisyo, pagsasaayos ng mga paaralan, at pagbibigay ng kabuhayan para sa mga magsasaka at mangingisda.