Ang Sinagtala

Ang Sinagtala Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Gusa Regional Science High School - X, Lungsod Cagayan de Or

Ngayong ika-9 ng Mayo, nakikiisa ang Ang Sinagtala sa pagdaraos ng payapa, malinis, at maayos na halalan. ✍Sa panahong i...
09/05/2022

Ngayong ika-9 ng Mayo, nakikiisa ang Ang Sinagtala sa pagdaraos ng payapa, malinis, at maayos na halalan. ✍

Sa panahong ito, nawa'y matatak sa ating isipan na ang magandang kinabukasang nais nating matamasa ay nakasalalay sa ating mga balota at tinta. 🇵🇭

Maging matalino sa pagboto.


Isang araw nalang, Pilipinas!Sa gitna ng ingay ng pulitika,piliin ang tapat.piliin ang nararapat.huwag maging bulag.
08/05/2022

Isang araw nalang, Pilipinas!

Sa gitna ng ingay ng pulitika,
piliin ang tapat.
piliin ang nararapat.
huwag maging bulag.

Sa panahon kung saan kasarian ang batayan ng kapasidad at kalalakihan ang nagtatakda ng pamantayan, patuloy pa rin ang p...
08/03/2022

Sa panahon kung saan kasarian ang batayan ng kapasidad at kalalakihan ang nagtatakda ng pamantayan, patuloy pa rin ang pakikisiksik ng mga kababaehan upang magkaroon sila ng katayuan sa lipunan.

Ngayong araw, Marso 8, ating ipinagdiriwang ang mga kababaihan; sinusuportahan at ipinapahayag ang pakikiisa sa kanila sa anumang antas ng pamumuhay sa kanilang matatag na pagkikilala, pagtataguyod, at pagpoprotekta sa kanilang mga karapatan at kapakanan.

Ipagpatuloy natin ang pagbuo ng mas maganda at mas bukas na lipunan para sa ating kinabukasan.

Mabuhay ang kababaihan!



Salita ni: Athena Jean Suan
Dibuho ni: John Clark Bation

Tatlumpu't anim na taon ang nakaraan, nasaksihan ng buong bansa ang kapangyarihan ng masa na makalaya mula sa rehas ng d...
25/02/2022

Tatlumpu't anim na taon ang nakaraan, nasaksihan ng buong bansa ang kapangyarihan ng masa na makalaya mula sa rehas ng diktadurya.

Nakikiisa ang Ang Sinagtala sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng People Power Revolution na siyang naging daan upang maibalik ang demokrasyang ipinagkait sa sambayanan. Lumipas man ang ilang taon, patuloy pa rin ang ating laban.

Nawa'y huwag nating hayaang mawalan ng kabuluhan ang makasaysayang ganap na ito.

Matuto sa nakaraan, huwag ulitin ang kasaysayan.



Dibuho nina: Hernel Juanico, Miguel Ladra
Salita ni: Athena Jean Suan

Handa ka na bang manindigan?Sa aming muling paglayag ay ipagpapatuloy pa rin ang labang sinimulan tungo sa malaya at res...
19/10/2021

Handa ka na bang manindigan?

Sa aming muling paglayag ay ipagpapatuloy pa rin ang labang sinimulan tungo sa malaya at responsableng pamamahayag.

Halina't maging bahagi ng opisyal na pahayagang pangkampus ng Gusa Regional Science High School-X.

Bisitahin ang link na ito para sa application form: https://bit.ly/AngSinagtala

Sa anumang katanungan o karagdagang impormasyon, maaaring magbigay ng personal message sa mga sumusunod:

Razaele Manales | Balita
Athena Jean Suan | Editoryal, Kolum
Aldrin Hussin, Danica Armendarez | Lathalain, Agham at Teknolohiya
Marchiere Ballentos | Isports
Ronald James Lemu | Pagkuha ng Larawan
Hana Abueva, Aleo Alburo | Paglalarawang Tudling (Cartooning)
Antonio Miguel | Pag-aanyo (Layout)

Maging boses ng mga walang tinig!

Sa nakaraang apat na taon, namayagpag ang Ang Sinagtala  sa larangan ng pamamahayag at paglathala ng pahayagang pangkamp...
05/07/2021

Sa nakaraang apat na taon, namayagpag ang Ang Sinagtala sa larangan ng pamamahayag at paglathala ng pahayagang pangkampus, at pinatunayan natin ito maging sa taunang Regional Schools Press Conference.

Mula 2017, kabilang Ang Sinagtala sa mga pinakamahusay na pahayagan sa RSPC School Paper contest. Ngayong taon, hinirang tayong Best School Paper sa kamakailan lang na 2021 Regional Schools Press Conference.

Tungo sa malaya at responsableng pamamahayag!

TAGUMPAY NA NAMAN!Muling namayagpag ang ANG SINAGTALA sa ginanap na 2021 Regional Schools Press Conference (RSPC) bilang...
05/07/2021

TAGUMPAY NA NAMAN!

Muling namayagpag ang ANG SINAGTALA sa ginanap na 2021 Regional Schools Press Conference (RSPC) bilang pinakamahusay na pahayagang pangkampus sa buong Rehiyon X.

Ito ang ikaapat (4) na beses mula 2017 na nag-uwi ang publikasyon ng parehong gantimpala sa kategorya ng Best School Paper.

Tungo sa malaya at responsableng pamamahayag!

Sa pagsapit ng kapaskuhan, hindi mapagkakaila ang pagbalik-tanaw sa mga pagsubok na ating hinarap sa buong taon. Marami ...
25/12/2020

Sa pagsapit ng kapaskuhan, hindi mapagkakaila ang pagbalik-tanaw sa mga pagsubok na ating hinarap sa buong taon. Marami man ang nagbago at malayo man ito sa ating dating nakagisnan, ang mahalaga ay patuloy pa rin nating nadarama ang tunay na diwa ng Pasko.

Ngunit huwag sana nating hayaang mabaon na lamang sa limot ang pait na ating sinapit. Lumipas man ang mga pagdiriwang na ito, hindi pa rin nito maaalis ang muhi at p**t sa ating damdamin dulot ng mga pangyayaring humamon sa atin. Kailanman ay hindi nito mapipigilan ang ating pakikibaka upang makamtan ang tunay na karapatan at hustisya para sa ating mga kababayan.

[Ni]: Athena Suan
[Guhit nina]: Aleo Alburo, Miguel Ladra

ONLINE na ang Ang Sinagtala!Sa kabila ng ating kinakaharap ngayon, patuloy pa rin ang aming paghahatid ng serbisyo sa in...
03/08/2020

ONLINE na ang Ang Sinagtala!

Sa kabila ng ating kinakaharap ngayon, patuloy pa rin ang aming paghahatid ng serbisyo sa inyo sa pamamagitan ng aming digital platform.

Samahan kaming magbalik-tanaw sa mga balita at istoryang nakalap ng publikasyon mula sa taong panuruang 2019-2020.

Bisitahin lamang ang link na ito: https://bit.ly/angsinagtala2019

Para sa mga impormasyon at update, manatili lamang na nakatutok sa aming page (Ang Sinagtala).

Sa pagbubukas ng isang yugto, panibagong henerasyon ang muling sisibol. Marahil ito na ang panahong nakatakda upang ikaw...
15/07/2020

Sa pagbubukas ng isang yugto, panibagong henerasyon ang muling sisibol. Marahil ito na ang panahong nakatakda upang ikaw naman ang manindigan gamit ang iyong mga papel at tinta.

Nais mo bang makiisa at ipagpatuloy ang laban tungo sa malaya at responsableng pamamahayag?

Bisitahin ang link na ito para sa application form: https://bit.ly/AngSinagtalaApplication2020

Sa anumang katanungan o karagdagang impormasyon, maaaring magbigay ng personal message sa mga sumusunod:

Joear Berdon | News, CRHW
Athena Jean Suan | Editorial
Danica Armendarez | Features, Sci-Tech
Marchiere Ballentos | Sports
Louise Marie Carmel Solarte | Photojournalism
Aleo Alburo | Cartooning, Illustrators
Antonio Miguel | Graphic Design/Layout

o sa aming official page: http://facebook.com/AngSinagtala

Nawa’y sabay tayong makaranas sa patuloy nang pagsinag ng mga tala!

Maligayang Araw ng Kalayaan!Sa ika-122 na selebrasyon sa Araw ng Kalayaan ay palagi sana nating isapuso't isaisip na hin...
12/06/2020

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Sa ika-122 na selebrasyon sa Araw ng Kalayaan ay palagi sana nating isapuso't isaisip na hindi kailanman naging mali ang pagiging mulat para sa bayan. Huwag tayong matakot na kumawala sa unti-unting pagkabusabos ng ating karapatang panlahat.

Address

Cagayan De Oro
9000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sinagtala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share