
08/07/2025
PATAKARAN SA 'NOT FOR HIRE’ MARKINGS
Nagpaalala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi obligado ang mga pribadong sasakyan na maglagay ng “not for hire” na signage.
Kasunod ito ng viral video kung saan pinara ng isang MMDA enforcer ang driver ng isang private pick-up truck dahil wala itong “not for hire” na marka. Nilinaw naman kalaunan ng MMDA na hindi kawalan ng marking kundi pagiging colorum ang violation ng pick-up driver.
“Ang mga pribadong sasakyan na ginagamit bilang personal na sasakyan ng tao o produkto ng may-ari ay hindi pinagbabawal. Ngunit kung ang sasakyan ay pinapaarkila o ginagamit sa pampasaherong biyahe, nangangailangan ito ng prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),” saad ng MMDA.