30/11/2025
Kung walang pang gastos sa Noche Buena o birthday huwag pilitin na makakaya nyo. Hindi naman yan points sa langit pag mag handa ka. Basta makakain ka ng 3 beses sa araw na yun at mag dasal at magpa salamat, sapat na. Huwag ka na lang gumaya sa mga may pang gastos. Lahat na lang sinisisi nyo ang gobyerno, baka sa susunod baka pati amoy ng ebak mo isisi nyo pa. The best dyan mag trabaho, mag ipon at huwag puro gastos sa walang katuturan. Huwag maging โOne day Millionearโ. Ikaw mismo ang gagawa ng future mo hindi kung sino sino o si God. Gagabayan ka lang ni God pero ikaw mismo ang gagawa at kung ano ang gagawin mo sa buhay mo. Lahat ng bansa tumataas na ang mga presyo ng bilihin, pandak na lang ang hindi tumataas. Mag hanap ka na ng trabaho, hindi puro naka tutok ka lang sa mga gadgets at umaangal pero wala ka naman ambag sa lipunan, hindi ka na nga nag babayad ng tax tapos aangal ka pa. Matulog ka na at bukas mag hanap ka ng trabaho para guminhawa ang buhay mo at may pang bili ka ng pang Noche Buena nyo. O kaya gandahan mo ang I content mo para malaki ang kita mo at makakabili ka na ng masasarap na pagkaing gusto mo para sa Noche Buena.