31/08/2025
One month after our vacation, HK still on my mind. β€οΈ
This trip was for our daughter's 7th birthday so I will be sharing a kiddie itinerary:
HONGKONG 2025
Day 1 July 27
Manila to Hong Kong
Disneyland Day 1
Day 2 July 28
Disneyland Day 2
Day 3 July 29
Legoland Discovery Center
Day 4 July 30
Ocean Park
Central
Day 5 July 31
Hong Kong to Manila
Kwento:
First time namin lahat makalabas ng Pilipinas, namangha kaming mag-asawa sa MTR at bus system nila kasabay ng pagkalungkot para sa Pilipinas. Napaghuhulihan na pala talaga tayo. :(
Sa mga takot po mag DIY, wag po kayo mag-alala, commute friendly po ang HK. Hindi kayo maliligaw basta marunong kayo magbasa. Lahat po ng sulok ng MTR stations and bus stops, merong signage at directions. Download lang po kayo ng Citymapper at Google maps, yan po ang magiging best friend nyo sa mga gala nyo sa HK.
Magsuot ng comfortable shoes, hindi kailangang bago, mas ok yung sanay na yung paa nyo suotin. Lakad is real sa HK π€£ buti hindi naman super reklamo ang anak namin sa paglalakad, hindi kasi gitata levels ang pagpawis mo sa HK kasi siguro hindi polluted.
On Octopus cards naman, ito ang naging sandalan namin pagdating sa transpo. Wala na sana kami balak bumili ng adult Octopus card kasi pwede naman ang MC, gcash at visa cards. Pero pag dating sa bus sa airport, sa 4 CCs at gcash card na ginamit namin, ni isa walang gumana π€¦ββοΈ naitawag pa namin yun sa CC companies bago umalis ng Pinas, ready to use naman na daw for international travel. So si hubby, bumalik pa sa loob ng airport to purchase adult Octopus cards. Ayun, hassle free na ang pagsakay namin. Very helpful din na lagi kayo may HKD kasi if ever walang CC or kailangan mag reload ng Octopus card, may magagamit kayo na HKD.
On monitoring weather naman, aside from HK observatory, gumamit pa rin ako accuweather kasi pwede mo doon ma-pin or ma-search yung exact place sa HK. At accurate din naman ang weather forecast.
Blessed kami na naging favorable ang weather maski sa forecast ay maulan sa day 2-5 namin, making us able to witness the Momentous twice. π
EXPENSES
5 days, 4 nights
2 adults, 1 kid
π Airfare PHP 13,928 (Cebu Pacific's 88 base fare)
π Travel Tax PHP 4050 (paid at the airport counter, adult 1620 x 2, child 810)
π Hotel PHP 19,652 (The Cityview, Premiere King room. Yau Ma Tei Area)
π Esim PHP 558 (via klook, 5 days unli data)
π Travel insurance PHP 1501 (via klook, Travel Joy)
π Octopus Child HKD 110 (with HKD 60 or 70 load)
π Octopus Adult HKD 340 (2 adults with HKD 110 load per card)
π DISNEYLAND (2 days)
Non-stop 2-day fun ticket PHP 17,975
Meal vouchers PHP 3446 (2 dinner sets with snacks and 1 kid's meal)
π LEGOLAND PHP 5418
π OCEAN PARK
Ticket PHP 8314
Meal vouchers PHP 1884 (3 set meals)
π TRANSPO HKD 515 (2 adults, 1 kid)
Day 1
BUS HKIA to The Cityview HKD 88
MTR Yau Ma Tei to HKDL HKD 58
MTR HKDL to Yau Ma Tei HKD 58
Day 2
MTR Yau Ma Tei to HKDL HKD 58
MTR HKDL to Yau Ma Tei HKD 58
Day 3
MTR Yau Ma Tei to Legoland HKD 13
MTR Legoland to Yau Ma Tei HKD 13
Day 4
MTR Yau Ma Tei to Ocean Park HKD 33
MTR Ocean Park to Central 15
MTR Central to Yau Ma Tei 33
Day 5
BUS The Cityview to HKIA HKD 88
π FOOD
Mahal po ang food. huhu Hindi ko alam how much nagastos namin. Hindi kami nag splurge, pero hindi rin naman kami nag tipid. Sakto lang sa kung ano ang gusto namin kainin.
Mas mahal ang Jollibee at McDo doon syempre tapos bumibili din kami food sa 711.
Meron din kami nakainan na para syang carinderia style pero malinis na meron kami 3 ulam and 3 rice nasa PHP 700 lang.
Meron din na parang turo2 style na nasa PHP 200-250 lang pero meron ka na 1 rice at 3-4 klase ng ulam. Ang pinakamahal na po namin nakainan ay sa loob ng DL at Ocean Park at sa food court ng K11 Musea. Bili din kayo water sa mga grocery stores para mas makatipid. Mura din ang beer nila kesa dito sa atin. Haha
Sa 3 attractions na pinuntahan namin, hindi ako nag advance booking sa klook. Gusto kasi namin maging sure sa weather. Yung DL, nagbook ako right before going to DL, as in bago lumabas ng hotel room. π€£ Same with Legoland and Ocean Park, same day booking lang din.
Wish we stayed longer. :(
Sa aming day 5, morning flight kami. Pagka gising ng anak namin, umiiyak. Ayaw umuwi ng Manila. Haha. Sa mga napuntahan namin, pangalawa pa lang ang Hong Kong sa iniyakan nya. Unang iniyakan nya ay Siquijor. Hanggang ngayon lagi sya nagsasabi na gusto nya bumalik at miss nya ang HK. Mag-iipon ulit anak, hindi tayo anak ng contractor eh. Hahaha βοΈ