26/07/2024
😭😭😭😭
𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐑𝐘 | “𝗡𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗮𝗸𝗼?”
Ipinagkatiwala sa akin ni Mama ang pinaka espesyal na trabaho — yun ang mapanatiling ligtas ang aming bahay!
“𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆” ang tawag nila sa akin. Tuta pa lang ako ay ulila na.
May mga Kapatid din daw akong tuta na sana balang araw maka laro ko rin sila.
Kamukha ko kaya sila?
Ilang buwan na din akong parte ng kanilang Pamilya. Sila mama at papa, ate at kuya, at iba pang mga aso't pusa na nasa loob ng kanilang napaka laking palasyo!
Napakalaki nito! Isa sa mga pangarap ko ay tumatakbo at makapag-laro sa loob — na kasama silang Pamilya ko.
Sinubukan kong pumasok noong unang linggo ko sa bahay, pero masyado daw akong madumi sabi ni ate.
Totoo naman ang sumbat niya, diba ang trabaho ko nga ay panatilihing ligtas ang Pamilya? Ayaw ko namang mapahamak at magkasakit sila — Kaya hindi ko na ulit sinubukan pa.
Natuwa siguro si Papa sa aking ginawa. Niregaluhan niya ko ng mamahaling kadena, Ayaw siguro nila akong mawala...
Ayan pareho na tayong may kuwintas mama!
Lumipas ang mga Araw, Napansin kong lumalakas at lumamig ang bugso ng hangin. Umiingay na din ang aming yero, at unti-unting pinapasok ng tubig ang aming bahay.
Ito na ang pagkakataon ko para mapatunayan ang aking silbi — kailangan kong protektahan ang aking pamilya sa bagyo! At baka pagkatapos ay makapag laro na ako sa loob kasama sila.
Walang sawa akong tumahol sa baha, para matakot ito.
“𝘔𝘢𝘮𝘢! 𝘔𝘢𝘮𝘢! 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘰? 𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘺𝘰!”Tahol ko.
Namangha siguro sila, dahil lahat sila ay lumabas! May dalang mga bag at maleta.
Nagliwanag ang aking mga mata sa kabila ng pagyanig ng aking balat.
“𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘣𝘢 𝘺𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘱𝘢?!” dali-dali kong tahol.
Binuksan nila ang gate, at inilabas ang sasakyan. Patuloy na lumakas ang ulan. Nagmamadali sila, natatakot din siguro sa ulan kagaya ko.
“𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢, 𝘮𝘢𝘮𝘢, 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢!” tahol ko sa kanila habang patuloy na lumalayo ang kanilang sasakyan.
Patuloy na lumakas ang ulan, napakahina ko naman ata?
Patuloy pa rin na sumusugod ang baha, linalamig na rin ang aking balat, dumidilim na rin.
𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘶𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘪 𝘔𝘢𝘮𝘢?
Nakakapagod palang magbantay at tumahol.
Dahan-Dahan ng pumipikit ang aking mata, bumibigay na ang aking katawan sa pagod, gutom, at lamig. Baka pagkagising ko, nakauwi na sina mama.
Ngunit bago ako pumikit may narinig akong tahol.
Tatlong pamilyar na mga tuta! At tila kumukha ko sila!
Tumahol ako pabalik, at tumakbo papunta sa kanila.
Wala na ang kadena ni papa! Sana Hindi ko ito nasira.
“𝘒𝘶𝘺𝘢, 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘯𝘢.” tahol ng isa.
“𝘖𝘳𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢?” sagot ko sakaniya.
“𝘖𝘳𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘭𝘢𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢!” sagot nito.
“𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘭𝘢 — 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘴𝘪𝘭𝘢!”
“𝘛𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘶𝘳𝘢𝘯 𝘮𝘰,” tahol nito.
At ayon ako — wala ng buhay at palutang-lutang.
𝘐𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.
Tumahol ako ng paulit-ulit. Humingi ng tulong. Pero mas malakas ang bagsak ng ulan kumpara sa naghihingalo kong buhay.
At sa huling mga tahol ko, isang tanong lang ang bumabagabag sa akin.
“𝙉𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙠𝙤?”
__________
Isinulat ni Lexter Pamintuan
Kuha at Inilapat ni Angilene Dableo
------
contact us:
✉️|[email protected]
𝗩𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 • 𝗔𝗾𝘂𝗶𝘁𝗮𝘀 • 𝗟𝗶𝗯𝗲𝗿𝘁𝗮𝘀