03/11/2025
KAPAG UMASENSO KA NA, ALALAHANIN MO SANA ANG MGA MAGULANG MONG NAGBIGAY NG LAHAT PARA LANG MATUPAD ANG MGA PANGARAP MO. 🙏🙏🙏
Kasi bago mo nakuha ang comfort na meron ka ngayon, may mga gabi silang puyat kakatrabaho. May mga araw na tiniis nila ang pagod at gutom para lang maibigay sa’yo ang gusto mo. Hindi mo man napapansin, pero bawat tagumpay mo, may pawis at sakripisyo silang kasama.
Ang mga magulang, hindi naghihintay ng kapalit. Ang gusto lang nila ay makita kang maayos, masaya, at hindi na nahihirapan. Pero bilang anak, responsibilidad din nating iparamdam sa kanila na hindi nasayang ang lahat ng pinaghirapan nila.
Huwag mong hayaang maramdaman nilang nakakalimutan mo na sila. Kahit simpleng tawag, kamusta, o pagbisita ay sapat na para mapawi ang lungkot na minsan ay hindi nila sinasabi. Ang oras mo, ‘yun ang pinakamasayang regalo na maibibigay mo sa kanila.
Tandaan mo, hindi habangbuhay andiyan sila. Habang kaya mo pang iparamdam ang pasasalamat mo, gawin mo. Mas masarap sa pakiramdam ang magbigay ng pagmamahal habang naririnig pa nila ang “Salamat po, Ma. Salamat po, Pa.”
Dahil sa dulo, lahat ng tagumpay, hindi lang para sa’yo. Para rin ‘yan sa mga taong unang naniwala at nagsakripisyo para marating mo kung nasaan ka ngayon. Ibalik mo sa kanila, kahit sa simpleng paraan, ang pagmamahal na walang hanggan nilang binigay.