01/09/2025
F.Y.I. po sa mga taga-Brgy Dela Paz... Thank you very much Cainta Mayor Kit Nieto! Nasa post niya po kagabi ang detalye ng napagkasunduan namin (link in comment section): Bubuksan nila ang FLOOD GATE sa may Imelda Ave basta't di muna natin paandarin ang PUMPING STATION sa Karangalan.
Nang makita ko ang lakas ng ulan at pagtaas ng tubig kahapon, nag-text ako agad kay Mayor Kit, at agad-agad din naman siyang nag-reply. Nakita niyo naman siguro sa balita na "record-level rainfall" na naman sa ilang bahagi ng Rehiyon. (Sa QC may naitalang 96.6mm rainfall sa loob lamang ng isang oras!!)
Nung nag-meeting kami ni Mayor Kit (Aug. 13), naipaliwanag niya nang malinaw kung bakit sila nagpagawa ng flood gate doon. Ang problema lang natin, pag sarado ito, bumabalik at naiipon ang tubig sa atin.
Kaya ito na ang pinaka "win-win" solution natin sa ngayon.
(May mga napag-usapan na rin kaming long-term improvements. "Challenge area" talaga ang mga boundary lalo na't hindi lang naman LGU ang kailangan mag-usap dito.)
🔹🔹🔹
Magandang paalala na rin ito sa atin na hindi talaga tayo puwedeng magkanya-kanya pag flood control ang usapan.
Kailangan mag-improve kaming nasa gobyerno pagdating sa planning and coordination:
Ang problema ng mga kalapit na lugar at konektadong waterway ay problema rin natin (at vice versa). Kung anong sitwasyon ng tubig mula Upper Marikina River Basin sa Rizal hanggang Laguna de Bay, ay ramdam natin sa Pasig City.
Kaya ang sinusulong natin ngayon ay mas maayos na koordinasyon ng lahat mula national, regional, DPWH districts, LGUs, hanggang barangay hanggang HOA pa nga. Kung maayos ang konsultasyon, pagpaplano, at koordinasyon, tingin ko pati korapsyon mababawasan at gaganda ang mga programa.