25/06/2025
Food for thought.
https://www.facebook.com/share/p/19WEWa6URv/?mibextid=wwXIfr
Palawan has everything. Gubat, dagat, ganda.
Pero tanungin mo ang kahit sinong Pinoy: "Anong pagkain ang kilala sa Palawan?"
… tahimik lahat.
Sa Five300, napapaisip kami, hindi lang sa "bakit kulang," pero sa "paano kaya kung meron?"
This isn't a lecture.
It’s a reflection. A mix of cultural observation and branding insight, mula sa mga taong araw-araw iniintindi kung paano nagiging kwento ang isang lugar.
NALILITO KAMI AT 'YUN ANG HINDI BIRO
When you're in branding, silence is a red flag.
Trabaho naming unawain kung paano nagiging brand ang isang lugar.
Paano nagiging kwento ang kultura. Paano nagiging pangkabuhayan ang identity.
Pero sa Palawan? Parang may nawawalang piraso.
Sobrang lakas ng nature branding pero kapag pagkain ang usapan, parang walang malinaw na kwento. Hindi pa kilala ang Palawan bilang food destination. Kahit tayo mismong mga Pilipino, bihirang makaisip ng lutong Palawan na iconic.
At kung branding ang lens mo, alam mong sayang ito. Kasi may pwedeng buuin pero wala pang gustong magsimula.
HINDI KASALANAN NG PALAWAN. KASAYSAYAN NIYA 'TO
Most iconic Philippine dishes came from places that became cultural crossroads.
Pampanga? Colonial hub at US base, kaya naging fusion heaven.
Iloilo? Port city, sugar capital, Chinese-Spanish-local influences, kaya may batchoy.
Pero Palawan? Lagi siyang nasa gilid.
Hindi naging kabisera. Hindi naging trading center. Frontier siya, buffer zone, backdoor ng Pilipinas.
So while other places evolved their food identity through intense cultural mixing, Palawan stayed on the periphery, independent, diverse, and somewhat disconnected from the usual patterns of culinary fusion.
DIVERSE FLAVORS, WALANG COMMON THREAD (YET)
Tingnan natin closely:
May Tagbanua, Palaw’an, at Batak—forest-based food systems, with deep ancestral knowledge of plants, preservation, and foraging
May Cuyonon culture sa Cuyo—indigenous roots with layers of Spanish colonial history and maritime exchange, resulting in dishes shaped by ritual, practicality, and seasonality
May Muslim communities sa southern Palawan—with rich halal traditions and spice-forward cuisine rooted in Sulu and Mindanaoan heritage
May migrants from Luzon at Visayas—bringing lowland Filipino staples that adapt over time to local ingredients
Ang dami, ‘di ba?
Lahat may sariling kwento pero wala pa tayong narrative na nagtatahi sa lahat ng ito bilang “lutong Palawan.”
Baka hindi dahil kulang.
Baka dahil wala pang gustong buuin ito nang buo with sensitivity, storytelling, at disenyong marunong makinig.
KAPAG SOBRANG GANDA, MINSAN NAITATAGO ANG TAO
When nature is the headline, the people become footnotes.
Palawan is world-famous for its nature. “Last Ecological Frontier.” Underground rivers. Jagged cliffs. Turquoise waters.
But in that narrative of untouched paradise, culture sometimes gets sidelined.
Not intentionally. Pero kapag binebenta mo ang “pristine,” minsan nagmumukhang istorbo ang lutong bahay, ang tradisyon, ang kwento ng komunidad.
At dito lumalabas ang tension:
How do you honor nature without erasing the people who live in harmony with it?
MAY MATAMIS, MAY ASIM, PERO LAHAT MAY KWENTO
From the soil to the stove, every flavor has a root.
Sa Cuyo, kitang-kita kung paano nagiging buhay ang pagkain. Hindi ito fancy. Hindi pang-display. Pero may lalim, may ugat sa lupa, sa oras, at sa ugali ng tao.
Meron silang mga panghimagas na gawa sa kasoy:
Sinanlag na Kasoy, Bandi, Cashew brittle, Cashew candy, at Cashew salted. Simpleng treats, pero matibay ang ugnay sa kalikasan at komunidad.
May mga kakanin din na hindi sikat sa labas, pero bahagi ng pang-araw-araw:
* Boti-Boti – processed rice grains na binalot sa caramelized sugar; superb as snack or dessert
* Kombo – delicacy made from banana, best for snacks
* Cuyo Island Langgaw – vinegar made from coconut
* Latong Cuyo – seaweed salad na isinasama sa lutong-isda o pagkaing dagat
Samantala, sa El Nido, Cashew Chicken has found its place on restaurant menus, served in several eateries and embraced by locals and tourists alike.
Hindi man ito heritage dish gaya ng mga nasa Cuyo, pero it proves one thing:
Kapag may ingredient na iconic sa lugar, may puwesto siya sa kwento.
These aren’t just recipes, they’re regional expressions.
At kung bubuoin natin ang “lutong Palawan,” baka hindi ito isang dish lang, kundi koleksyon ng kwento, panlasa, at paraan ng pamumuhay mula iba't ibang sulok ng isla.
PUWEDE BANG I-DISENYO ANG KWENTO?
Design isn't decoration. It’s direction.
Bilang isang design studio, alam naming mahalaga ang kwento. Pero mahalaga rin kung paano ito ipinapasa.
Kaya tanong namin: paano kung i-design natin ang “lutong Palawan” bilang isang cultural experience?
- Typography for food packaging that reflects indigenous patterns
- Menus and signage that tell stories, not just prices
- Farm-to-table setups that double as learning spaces
- Wayfinding or food trails connecting dishes to geography
- Community-based cookbooks with bilingual explanations and illustrations
Kung ang mga kwento ay sangkap, ang disenyo ang kalan.
Wala sa “ganda” lang ang hinahanap, nasa intensyon at direksyon.
DOCUMENTATION NA WALANG DISTRIBUTION
Kung may dokumento pero walang nakakarinig, parang nilutong hindi naihain.
May mga gumagalaw na siguro.
Heritage programs. Recipe research. Ingredient mapping.
Pero kung nananatili lang sa archive o exhibit, kulang pa rin.
Documentation is only half the story.
Kung walang audience, kung walang experience, kung walang platform, hindi siya branding. Hindi siya memory. Hindi siya identity.
PAGKAIN: PINAKAMADALING CULTURAL ENTRY POINT
Before they see the museum, they’ll try the food.
Food is the most accessible cultural bridge.
You don’t need a degree to appreciate flavor. You just need curiosity.
Kaya lang, sa Palawan ngayon, parang:
Tourist menus are globalized
Tours are landscape-focused
Culture feels optional, not integral
And that’s not a failure.
It’s a missed opportunity.
Pero puwedeng ayusin.
SIMULAN SA ISA
Start with one dish. One ingredient. One story.
Hindi kailangang i-brand agad ang buong lalawigan.
- Connect it to place
- Tell the story visually and emotionally
- Let communities share it in their own voice
- Build experiences around it: cooking demos, food walks, farm visits
Mula roon, puwedeng mag-expand. Mag-evolve.
Maging alon, hindi alingasngas.
REFRAME, HUWAG PALITAN
Nature-first branding can still spotlight culture.
Palawan doesn’t have to drop its nature-first identity.
But it can show that:
Nature and culture are not opposites, they’re partners.
"Where pristine nature meets ancient flavors."
Kung ang kalikasan ang stage, ang kultura ang kwento.
Kung environment ang bida, ang food ang proof na pwedeng mamuhay ng may respeto sa lupa at dagat.
HINDI 'TO KUSANG LALABAS
Branding doesn’t happen by accident.
It takes intention. Design. Community buy-in. Infrastructure. Documentation. Distribution. Time.
Palawan has the ingredients. The people. The story.
What it needs now is the platform and the push.
BOTTOM LINE: MAY LAMAN KANA. IKAW NA LANG ANG MAGKUWENTO
Palawan is already one of the strongest place brands in the country.
But it still has room to grow deeper.
This isn’t a criticism, it’s an invitation.
Let’s build a food identity that reflects who Palawan truly is:
Diverse. Rooted. Resilient. Masarap. Makabuluhan.
Ikaw naman.
May alam ka bang luto, kwento, o tao na puwedeng maging bahagi ng cultural brand ng Palawan?
At anong klaseng suporta ang kailangan nila para maikwento ‘yon sa mas marami?