24/06/2025
AKSIDENTE SA EASTBOUND LANE SHAW BOULEVARD PASIG CITY.
Isang 36-anyos na lalaki mula sa Cainta ang nasawi matapos mabangga ng isang SUV habang siya ay nagbibisikleta sa eastbound lane ng Shaw Boulevard nitong Martes, Hunyo 24.
Ayon sa ulat, napilitan umanong lumipat ng lane ang biktima matapos harangan ng isang AUV ang bicycle lane. Sa kanyang pag-iwas, napunta siya sa outer lane kung saan siya nasalpok ng isang paparating na SUV.
Agad na rumesponde ang emergency team ng Barangay Kapitolyo, ngunit idineklara ang biktima na dead on the spot pagdating ng mga rescuer. Dahil sa insidente, nagdulot ito ng matinding trapik sa lugar habang isinasaayos ang sitwasyon. Nasa kustodiya na nga pulis ang nakabangga.
June 24, 2025
📸 Arjay Rosales