27/06/2025
Matrabaho. Eto ang masasabi ko kapag gumagawa ng cake na may money roll sa loob. Gaya ng makikita n'yo sa video, isa-isang ilalagay sa ice bag ang bill, ise-secure, at babawasan ang excess plastic. Minsan si client mismo ang nagbibigay ng bank-crisp bills. Minsan naman ibibigay sa'kin ang pera tapos ako na magpapapalit. In denominations. Mula P20 hanggang P1000 bills. Hindi ko na matandaan kung magkano ang pinakamalaking total amount of bills ang nailagay ko sa isang cake, pero natatandaan ko madalas lahat ng bill denomination ay kumpleto. 😊
Matrabaho, oo, pero may extra charge ang paggawa ng money roll. Maraming salamat po sa mga naging client namin na nagbayad ng extra charge, and for appreciating the effort. 🙏🥰
Unang beses na gawa ko ng money cake, palpak. AS IN PALPAK! Hinila ang unang bill, sumama ang buong roll. 😬
Pangalawang beses na gawa ko, palpak ulit. Habang hinihila ang bills, unti-unti sumasama ang roll. May mali nanaman. 😣
Pero yung mga sumunod na money cake, sa tulong na rin ng panood ng videos sa YT, nagawa ko na nang maayos. 👏👏👏👏
Although may isang beses, yung tape sa ibabaw ng roll ay nalimutan ko tanggalin kaya kahit anong hila sa ribbon, walang lumalabas na bill. Mabuti na lang kakilala ko yung um-order (shout-out to Aireese! ☺️). At least hindi na buong roll ang lumabas. 😜
Sa ngayon, hindi na muna ako tumatanggap ng money cake order due to environmental reasons. Pinag-iisipan ko pang mabuti kung tatanggap ulit ako ng money cake orders o hindi na talaga. 😁
May videos ng money-pulling dito sa page. You may want to watch them if you have spare time. 🙂
Thanks for reading! 😘