22/05/2026
Safety in Welding
Wear Welding Helmet
Magsuot ng welding helmet para maprotektahan ang mata at mukha laban sa sobrang liwanag, spark, at init habang nagwe-welding. Nakakaiwas ito sa eye injury at paso.
Wear Welding Gloves
Magsuot ng welding gloves para maprotektahan ang kamay laban sa init, spark, matutulis na bakal, at electric shock habang nagtatrabaho.
Caution: Hot Surface
Mag-ingat sa mainit na bakal o kagamitan pagkatapos mag-welding. Maaari itong magdulot ng paso kapag nahawakan agad.
No Flammable Materials
Iwasan ang mga madaling masunog na bagay malapit sa welding area tulad ng gasolina, papel, o pintura dahil puwedeng magsimula ng sunog o pagsabog.
Ensure Good Ventilation
Siguraduhing maayos ang bentilasyon sa lugar ng welding para hindi maipon ang usok at harmful gases na delikado sa paghinga.
Safety First:
Laging unahin ang kaligtasan para maiwasan ang aksidente habang nagwe-welding.