03/04/2023
Proud Ako na Isigaw sa Buong Mundo: "Idol Ko Si Kap. Ian!"
Napatunayang performance sa leadership at pulidong pagganap sa sinumpaang tungkulin ang kailangan ng taga-Brgy. Labas mula ngayon hanggang sa susunod na mga panahon.
Pakinggan mo itong kwento ko, kaibigan: Si Kap. Ian De Guzman ay tinitingalang huwaran na Chief Executive ng isang Barangay Government maging sa 45,000 barangay sa buong bansa, sa 681 barangay ng buong Probinsya ng Laguna, at sa buong 18 barangay sa Lungsod ng Sta. Rosa dahil sa kanyang napatunayang performance simula siyang maging Brgy. Chairman ng Brgy. Labas hanggang sa mga darating na panahon.
Ang hindi-mapapantayan na accomplishments ni Kap. De Guzman ay hindi lamang nagawa ng paikot-ikot sa bawat sulok ng Brgy. Labas, pagbibitiw ng mga 'oh, promise me', paninira, at pagsamba dahil may eleksyon, kundi sa pamamagitan ng to-the-letter at higit pa na pagtupad ng sinumpaang tungkulin sa lahat mga kritikal na oras araw-araw, sa pamamagitan ng dedikasyon sa pagbuo at paglunsad ng mga makabuluhang visions para sa taong-bayan at Brgy. Labas, pagpapahalaga sa 'participatory democratic system' (kasali ang lahat) sa paghubog ng socio-economic direksyon ng pamunuang barangay, at taimtim na pagdarasal araw-araw upang humungi ng sapat na guidance at salop-salop na blessings mula sa Tunay na Panginoong Jesus.
Sa kasalukuyan, ang Brgy. Labas ay multi-awardee na local government unit na naitaas pa sa 'world-class' level ang pagsisilbi sa taong-bayan dahil sa pagtanggap nito ng ISO-9001-2015 Certigication mula sa kilala at respetadong taga-tasa ng entity performance at operating systems na International Standard Organization na may main Headquarters sa Geneva, Switzerland. Sa buong mundo, ang Brgy. Labas ay isa sa 9,001 entities sa buong mundo na piling-pili na sertipikado ng ISO-9001-2015.
Isang SGLGB awardee din ang Brgy. Labas na nakasama sa 685 barangays mula sa 45,000 sa buong bansa na National Board Passers sa mahigpit na review at audit ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Naging Grand Slam Winner din bilang pinakamahusay na barangay sa 18 barangay ng Lungsod ng Sta. Rosa ang Brgy. Labas na iginawad ni City Mayor Arlene B. Arcillas nitong kamakailan lang sa ginanap na
Pagkilala sa Kahusayan ng mga Barangay ng Lungsod ng Santa Rosa 2022.
Nagkamit ng Pinakmataas na Pagkilala ang Brgy. Labas na may kabuuang puntos na 102.75 sa mga sumusunod na Pagtatasa:
• LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARDS FY 2021
• BARANGAY PEACE AND ORDER COUNCIL AUDIT FY 2021
• VIOLENCE AGAINST WOMEN's DESK AUDIT
FY 2020
• VIOLENCE AGAINST WOMEN'S DESK AUDIT
FY 2021
• BARANGAY COUNCIL FOR THE PROTECTION OF CHILDREN AUDIT FY 2021
• BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL AUDIT FY 2021
• BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL AUDIT
FY 2020
• BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL AUDIT
FY 2021 .
Isang patunay muli ng pagpapamalas ng Matino, Mahusay at Maasahang Paglilingkod Bayan.
Iginawad ang naturang parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pagdiriwang ng buwan ng "Local Government Code of 1991".
"Ang bigat mo, Kap. Ian De Guzman. Tama lang isigaw ko sa buong mundo: "Idol ko si Kap.!", ayon kay City Mayor Arlene B. Arcillas.
" Bakas ang LAKAS ng BAGONG LABAS "
Photo Caption:
Kinikilala ni City Mayor Arlene B. Arcillas ang galing at talino sa pamumuno ng Brgy. Labas ni Kap. Ian De Guzman.