13/10/2025
๐
๐๐๐-๐ญ๐จ-๐
๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐๐ง๐๐ข๐๐จ, ๐๐ฅ๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐๐, ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐๐ซ๐ ๐๐-๐๐
Ipinag-utos ni Governor Sol Aragones ang pansamantalang pagsuspinde ng face-to-face classes sa lahat ng antas, sa parehong pampubliko at pribadong paaralan mula Oktubre 14 hanggang 31, 2025.
Ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat sa nakaambang panganib ng lindol na maaaring tumama sa rehiyon. Sa halip na pisikal na pagpasok, ipatutupad ang Alternative Delivery Modes (ADM) tulad ng online classes at modular learning upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga estudyante habang iniiwasan ang posibleng peligro.
Ayon kay Gob. Aragones, layunin ng desisyong ito na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, gayundin ang pagbibigay ng sapat na panahon sa mga paaralan at lokal na pamahalaan upang makapaghanda ng mga contingency plan sakaling tumama ang kalamidad.
Pinapayuhan ang lahat ng paaralan na agad ipatupad ang kani-kanilang learning continuity plans at tiyaking naipapabot sa mga magulang at mag-aaral ang mga alternatibong pamamaraan ng pag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon at updates, hinihikayat ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa tanggapan ng gobernador at ng Department of Education.