25/08/2025
“Hindi lahat ng bayani ay may kapa. Ang ilan ay may barong, may hawak na pluma, at may dalang bandila. Ang iba ay may stethoscope, may chalk, o may kalaykay.”
Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita at pinararangalan ang kabayanihan—mula noon hanggang ngayon.
Sa mga bayani ng ating kasaysayan na nag-buwis
ng buhay nila para sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Sa mga bayani ng kasalukuyan na kahit hindi man palaging nababanggit sa libro, ay mga tunay na bayani din — mga frontliners, g**o, magsasaka, sundalo, OFWs, lingkod-bayan, at bawat Pilipinong nagsisikap para sa pamilya at bayan— saludo kami sa inyo. Ang inyong sipag, malasakit, at tibay ang nagpapatuloy ng diwa ng kabayanihan.
Ngayong Araw ng mga Bayani, ipagdiwang natin ang lahat ng patuloy na lumalaban—hindi sa pamamagitan ng dahas, kundi ng pagmamahal, pagkakaisa, at serbisyo.
Mabuhay ang mga bayani—kahapon, ngayon, at bukas!
Maligayang Araw ng mga Bayani!