16/06/2026
Friendly reminder lang po. 😊
Sa panahon ngayon na mahal ang gasolina at bilihin, hindi na po posible ang free delivery. Ang delivery fee ay may kaakibat na gastos at serbisyo na kailangang bayaran.
At sana po, kung mag-oorder, siguraduhin din nating kukunin natin ang order. Ang mga cancelled orders ay hindi lang simpleng inconvenience—may oras, effort, at minsan gastos na nasasayang.
Marami po sa amin ang nagtitinda para may pandagdag sa pang-araw-araw na gastusin. Konting konsiderasyon at respeto lang sa oras at dagdag kita ng bawat isa. Salamat po. ❤️