15/02/2025
𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢, 𝗔𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗜-𝗛𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗢𝗕! 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬, 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡 𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬!
Akala ko noon, pag mas close mo ang empleyado mo, mas magiging loyal sila.
Mas tatagal. Mas hindi ka nila iiwan.
MALI.
Sa negosyo, ang tanging sigurado lang… WALANG PERMANENTE.
Yung taong tinuring mong kaibigan?
Yung empleyadong pinagtanggol mo sa iba?
Yung pinagkatiwalaan mong magpatakbo ng operations?
Isang araw, magigising ka na lang… sila na mismo ang lalaban sa’yo.
ANONG NATUTUNAN KO SA MAHIGIT 5 YEARS NA PAGNENEGOSYO?
📌 Employees are NOT your family.
Dapat may boundary. Dapat may linya.
Kapag napamahal ka na, mahihirapan kang magtanggal.
📌 Kung hindi mo sila babantayan, ikaw ang babantayan nila.
Akala mo walang ginagawa?
Pero may group chat na yan.
Nagtutulungan na yan kung paano ‘di mahuli.
At ikaw, employer, ang common enemy nila.
📌 Hindi lahat ng tinulungan mo, marunong tumanaw ng utang na loob.
Yung taong pinahiram mo ng pera, ikaw pa ang siniraan.
Yung binigyan mo ng hanapbuhay, ikaw pa yung masama sa huli.
Yung inangat mo sa posisyon, ikaw pa ang tinrato na parang kalaban.
📌 Accountability is everything.
Walang KPI? Walang target? Walang direction?
Tatamarin yan. Magpapabaya yan.
Tapos ikaw pa ang masama sa dulo.
📌 Kung hindi mo sila titigilan, ikaw ang titigilan ng negosyo mo.
Kapag puro habag ang pinairal mo, babagsak ka.
Kapag hindi ka naglagay ng sistema, ikaw ang malulugi.
Kapag hindi mo sinunod ang instincts mo, ikaw ang magsisisi.
📌 Kaibigan mo ngayon, kalaban mo bukas.
Huwag mong gawing empleyado ang kaibigan mo.
At huwag mong gawing kaibigan ang empleyado mo.
Kasi kapag nagkaproblema, hindi lang negosyo ang mawawala pati pagkakaibigan. Baka hindi mo nadin alam, sya na pasimuno or group creator.
📌 Sa negosyo, walang ibang pwedeng magpatakbo kundi IKAW.
Kapag hinayaan mong sila ang mag-takeover,
Sila ang magiging boss mo.
At ikaw, malalamon nang buhay.
📌 Huwag kang mag-expect ng loyalty sa employees mo.
Dumaan ako sa panahon na iniisip kong forever na ang team ko.
Na dahil tinulungan ko sila, hindi sila aalis.
Pero ang totoo? Masakit man tanggapin, pero… lahat ng empleyado, aalis.
Minsan sa maganda.
Minsan sa hindi.
Kaya dapat, laging may plano B.
📌 Sa huli, ang tunay na magtatagal lang sa negosyo mo ay IKAW.
Kaya kung gusto mong lumago, huwag kang aasa sa iba.
📌 Huwag basta mag-hire, baka ang nag-a-apply sa’yo, kaibigan din ng mga empleyado mo.
At huwag ding magsasali ng mga magkakakilala sa negosyo mo.
Bakit?
Kasi sa oras na may isang pumasok na may ibang agenda, hindi lang yan mag-isa kikilos.
Magtatayo yan ng sariling grupo.
At kapag may grupo na silang magkakasama sa loob ng negosyo mo?
Ikaw na ang dayuhan sa sariling kumpanya mo.
📌 Walang loyalty sa magkakakilala.
Kapag may isang nagkamali, pagtatakpan ng isa.
Kapag may isang tinamad, tutulungan ng isa.
At kapag may isang aalis? Sasama ang isa.
📌 Kapag hindi mo inayos ang hiring process mo, ikaw din ang magsisisi.
Mas mabuti nang kumuha ng hindi magkakakilala,
kaysa magkaroon ng isang “clique” na ikaw mismo ang outsider.
📌 Gumawa ng sistema na hindi nakadepende sa isang tao.
Kapag may umalis, hindi dapat mahinto ang operations.
Dapat, kahit sinong mawala, tuloy-tuloy ang negosyo.
📌 Sa negosyo, mas mahal ang tiwala kaysa sa sweldo.
Mas mabuting magbayad ng malaki sa taong walang bahid ng hidden agenda,
kaysa magtipid pero may tauhang unti-unting sumisira sa loob.
📌 Ang tunay na team, PURPOSE-DRIVEN, hindi CHISMIS-DRIVEN.
Piliin ang mga empleyado na nandito para sa trabaho, hindi para sa drama. Yung may malasakit sa negosyo, hindi lang sa isa’t isa.
📌 Ang team leader ang utak ng operations—kaya kung siya mismo ang problema, buong team mo ang damay.
Minsan, ang problema hindi lang nasa empleyado—nasa team leader. Kaya dapat, ang pagkuha ng team leader ay maingat at may masusing monitoring. Dahil kung siya ang pasimuno ng kalokohan, buong team mo ang mabubulok.
📌 Hindi mo kailangang maging employer na kinatatakutan, pero kailangan mong maging employer na nirerespeto.
Mahigpit pero patas. Mabait pero may backbone. Kaya nilang lumapit sa’yo, pero hindi ka nila kayang lokohin.
KUNG MAY EMPLOYEES KA, ANO ANG DAPAT MONG GAWIN?
✔ Monitor everything.
Huwag kang papetik-petik. Hawak mo dapat lahat ng sistema.
Kapag hindi mo alam ang nangyayari sa negosyo mo, malamang may ibang humahawak nito sa halip na ikaw.
✔ Set clear targets.
Kapag hindi nila alam ang direction, tatamarin yan.
Dapat may KPI at clear expectations—hindi puwedeng bahala na.
✔ Be a leader, not a friend.
Pwede kang mabait. Pwede kang considerate.
Pero huwag kang maging close.
Dahil pag nasobrahan, mahihirapan kang magpatupad ng disiplina.
✔ Huwag kang magtitiwala ng basta-basta.
Lalo na kung hindi mo pa sila lubusang kilala.
Ang pinakamagaling na empleyado ngayon, pwedeng siya rin ang unang iiwan ka bukas.
✔ Huwag basta mag-hire, baka yung nag-a-apply sa’yo, kaibigan ng empleyado mo.
Kapag magkakilala, may loyalty yan sa isa’t isa, hindi sa negosyo mo.
At pag may isa kang tinanggal, madalas, may kasamang aalis.
✔ Huwag magsasali ng mga magkakakilala sa negosyo mo.
Kapag may nagkamali, magtatakipan yan.
Kapag may reklamo, magkakampihan yan.
At kapag may nag-resign, madalas sunod-sunod yan.
✔ Magbigay ng incentives sa performance, hindi sa tagal ng serbisyo.
Ang tagal sa kumpanya, hindi basehan ng loyalty.
Mas mahalaga ang resulta kaysa sa tagal ng pananatili.
✔ Magdasal.
Kasi sa negosyo, hindi lang utak at effort ang puhunan mo.
Kailangan mo rin ng gabay para hindi ka maligaw at hindi ka matinag sa mga pagsubok.
SA NEGOSYO, WALANG PUWEDENG MAGPATUMBA SA’YO KUNDI IKAW.
KAYA MAGING MATIBAY KA.
✅ Like & Share para awareness sa mga business owners!
✅ Tag mo ang business owner na kailangan nitong mabasa!
Laban lang! At magpasalamat tayo padin tayo sa ex employes natin dahil kung hindi dahil sa kanila hindi tayo matututo at mag ggrow 🥰😁 at lalo na sa Diyos, dahil binibigyan tayo ng wisdom sa bawat lesson. 😁☝️