Manila News Today

Manila News Today Ang Manila News Today ay pinapatnubayan ng propesyonal na media na nasa 30 taon na sa larangan ng pamamahayag.

Basahin | NAPOLCOM, BSP NAGSANIB-PUWERSA PARA SA KABATAAN AT KALIGTASAN NG KOMUNIDADQUEZON CITY, Setyembre 17, 2026 — Po...
17/09/2026

Basahin | NAPOLCOM, BSP NAGSANIB-PUWERSA PARA SA KABATAAN AT KALIGTASAN NG KOMUNIDAD

QUEZON CITY, Setyembre 17, 2026 — Pormal na nagsanib-puwersa ang National Police Commission ( NAPOLCOM ) at Boy Scouts of the Philippines (BSP) upang palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa crime prevention, public safety, disaster preparedness at nation-building.

Nilagdaan nina NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente R. Calinisan at BSP National President Atty. Emilio B. Aquino ang Memorandum of Agreement (MOA) ngayong araw sa NAPOLCOM Central Office sa Quezon City.

Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang dalawang institusyon ng mga programa para sa leadership at youth development, community outreach, disaster preparedness, at information campaigns laban sa kriminalidad, ilegal na droga, cybercrime at bullying.

Binigyang-diin ni Calinisan na mahalagang maging aktibong katuwang ang kabataan sa pagtataguyod ng ligtas at mapayapang komunidad, habang sinabi ni Aquino na ang public safety ay nakasalalay rin sa pagbuo ng matatag, responsable at may malasakit na kabataan.

17/09/2026
Basahin | NAPOLCOM, TINANGGAP ANG PAGKAKATALAGA NG 3 BAGONG DIRECTOR IIQUEZON CITY — Malugod na tinanggap ng National Po...
17/09/2026

Basahin | NAPOLCOM, TINANGGAP ANG PAGKAKATALAGA NG 3 BAGONG DIRECTOR II

QUEZON CITY — Malugod na tinanggap ng National Police Commission ( NAPOLCOM ) ang pagkakatalaga nina Allan Dumucmat Ancheta, Haidee Obiña Borja, at Joanetto Victor Narca Romano bilang Director II matapos silang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Setyembre 8, 2026.

Bago ang kanilang pagkakatalaga, nagsilbi si Romano bilang Acting Chief ng Operations Audit Division ng Internal Audit Service, habang sina Ancheta at Borja naman ay Acting Assistant Regional Directors ng NAPOLCOM Regional Offices 1 at 8.

Binati ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente R. Calinisan ang tatlong opisyal at sinabing ang kanilang pagkakatalaga ay pagkilala sa kanilang sipag at dedikasyon, ngunit kaakibat nito ang mas malaking pananagutan sa bayan.

“Ang pagkilalang ito ay hindi lamang karangalan, kundi dagdag na pananagutan. Patuloy nating patunayan na ang mahusay at tapat na serbisyo publiko ay may malasakit at tunay na layunin na maglingkod sa bayan,” ani Calinisan.

Inaasahang higit pang mapatitibay ng kanilang pagkakatalaga ang pamunuan ng NAPOLCOM sa pagtupad ng mandato nito sa Philippine National Police.

Basahin | 52-ANYOS NA BABAE, NASAGIP SA HOSTAGE DRAMA SA MANDALUYONG; ARMADONG SUSPEK, TIMBOG NG SWATMANDALUYONG CITY — ...
16/09/2026

Basahin | 52-ANYOS NA BABAE, NASAGIP SA HOSTAGE DRAMA SA MANDALUYONG; ARMADONG SUSPEK, TIMBOG NG SWAT

MANDALUYONG CITY — Nasagip nang ligtas ang isang 52-anyos na babae matapos siyang i-hostage umano ng isang armadong lalaki sa loob ng apartment sa Brgy. Barangka Drive, Mandaluyong City, Miyerkules ng umaga.
Halos isang oras na nakipagnegosasyon ang mga pulis sa 43-anyos na suspek na alyas “Ed,” na humiling pa umano ng media coverage habang hawak ang kanyang bihag.

Habang abala sa negosasyon ang suspek, nakahanap ng tiyempo ang EPD-SWAT na makapasok sa silid at mabilis siyang napasuko. Narekober umano sa kanya ang isang fan knife.

Sa imbestigasyon, lumalabas na kamakailan lamang nakalaya sa bilangguan ang suspek at nagpahayag umano ng kagustuhang makabalik sa kulungan. Wala umanong dating relasyon o personal na koneksyon ang suspek at biktima.

Pinuri ni EPD District Director PBGEN Roman C. Arugay ang mabilis at disiplinadong pagkilos ng mga rumespondeng pulis na nagresulta sa ligtas na pagkakasagip sa biktima nang walang karagdagang pinsala.

BASAHIN | QUEZON CITY — Sa panahong ang tiwala ng publiko ay mahalagang pundasyon ng serbisyo, dalawang patrolman ang na...
16/09/2026

BASAHIN | QUEZON CITY — Sa panahong ang tiwala ng publiko ay mahalagang pundasyon ng serbisyo, dalawang patrolman ang nagpakita na ang katapatan ay nasusukat maging sa mga simpleng pagkakataong walang nakakakita.

Bunga nito, pinarangalan ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan sina Patrolman MICHAEL D. GONZALES at Patrolman MARK KUER Y. MANALANSAN ng Certificates of Commendation matapos nilang isauli nang kumpleto at walang kulang ang lamang pera sa isang wallet na kanilang natagpuan noong Setyembre 9, 2026.

Sa halip na balewalain ang napulot na gamit, gumawa agad ng paraan ang dalawang pulis upang matukoy at makontak ang may-ari. Naibalik ang wallet kasama ang pera at mga identification card na nasa loob nito.

Noong Setyembre 16, personal silang kinilala sa NAPOLCOM Central Office sa Quezon City—isang simpleng parangal para sa isang gawaing nagpapaalala kung gaano kalaki ang epekto ng pagpili na gawin ang tama.

“Ang tunay na integridad ay nakikita sa mga simpleng pagkakataon. Sa bawat pagkakataon na pinipili nating gawin ang tama, ipinapakita natin ang katapatan na dapat taglayin ng bawat lingkod-bayan. Dapat nating tularan ang ganitong uri ng serbisyo,” ani Commissioner Calinisan.

Para sa NAPOLCOM, ang ginawa nina Gonzales at Manalansan ay higit pa sa simpleng pagsasauli ng isang nawawalang wallet. Isa itong konkretong halimbawa ng uri ng paglilingkod na nakatutulong upang maibalik at mapatatag ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan.

Sa katapatan, walang maliit na bagay—dahil sa bawat tamang gawa, may tiwalang nabubuo.

Tingnan | OTS OFFICER, NAGSAULI NG NAIWANG ACTION CAMERA SA NAIA T2PASAY CITY — Isang action camera na naiwan ng pasaher...
15/09/2026

Tingnan | OTS OFFICER, NAGSAULI NG NAIWANG ACTION CAMERA SA NAIA T2

PASAY CITY — Isang action camera na naiwan ng pasahero sa security screening checkpoint ng NAIA Terminal 2 ang agad na isinuko ng isang Security Screening Officer (SSO) ng Office for Transportation Security (OTS) noong Setyembre 14, 2026.

Natagpuan ni SSO Dessa May Lescano ang camera habang naka-duty at agad itong ini-report kay Checkpoint Supervisor Setiela Tagle. Matapos walang mag-claim sa kabila ng ginawang public announcement, itinurn-over ang kagamitan sa NAIA Terminal 2 Lost and Found Section para sa wastong dokumentasyon at safekeeping.

Pinuri ni OTS Administrator/Undersecretary Gilbert Cruz si Lescano dahil sa ipinakitang katapatan, pagiging alerto at pagsunod sa tamang proseso.

Ayon sa OTS, patunay ang insidente na mahalaga ang integridad at pananagutan sa serbisyo publiko, lalo na sa pagpapanatili ng tiwala at seguridad ng mga biyahero.

15/09/2026

Basahin | OTS, HINIGPITAN ANG SEGURIDAD SA MGA PALIPARAN; MAS MAHIGPIT NA SCREENING STANDARDS, IPATUTUPADMAS MAHIGPIT NA...
14/09/2026

Basahin | OTS, HINIGPITAN ANG SEGURIDAD SA MGA PALIPARAN; MAS MAHIGPIT NA SCREENING STANDARDS, IPATUTUPAD

MAS MAHIGPIT NA BANTAY, MAS LIGTAS NA BIYAHE.

Pinalakas ng Office for Transportation Security (OTS) ang seguridad sa mga paliparan matapos pinalisa ang Standardized Screening Requirements and Equipment Testing Manual.

Saklaw nito ang mas sistematiko at pare-parehong screening ng mga pasahero, cabin baggage at cargo, pati ang pagsusuri at wastong paggamit ng airport security equipment.

Binigyang-diin ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto Cruz na hindi lamang dokumento ang manual kundi isang praktikal na gabay upang matiyak na mahigpit, epektibo at iisa ang pamantayan ng security screening sa mga paliparan.

Nakahanay ang bagong manual sa mga pamantayan ng ICAO at layuning higit pang palakasin ang proteksiyon sa mga pasahero, paliparan at sasakyang panghimpapawid.



Basahin | QCPD, NAKAALERTO SA 2-ARAW NA MANIBELA TRANSPORT STRIKEQUEZON CITY — Naka-full alert ang Quezon City Police Di...
13/09/2026

Basahin | QCPD, NAKAALERTO SA 2-ARAW NA MANIBELA TRANSPORT STRIKE
QUEZON CITY — Naka-full alert ang Quezon City Police District (QCPD) para sa dalawang araw na transport strike at kilos-protesta ng MANIBELA sa Setyembre 14–15, 2026.

Ayon kay QCPD Acting District Director PBGEN Christopher Olazo, magpapakalat ng mga pulis sa mga strategic area upang tiyakin ang seguridad, maayos na daloy ng trapiko, at tulong sa mga maaapektuhang commuter.

Inaasahang magsisimula ang protesta sa Welcome Rotonda, Quezon City bago tumungo sa Mendiola, Maynila.

Iginiit ng QCPD na iginagalang nito ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, kasabay ng panawagan sa mga kalahok na panatilihing mapayapa, maayos at naaayon sa batas ang pagkilos.

13/09/2026

Basahin | MAYOR AT MGA PULIS NG SAN NICOLAS,BATANGAS DAPAT MAGPALIWANAG!

Hindi simpleng reklamo ang dapat sagutin dito.

Isang 33-anyos na mangingisda na si Jeric Mateo ang umano’y bugbog-sarado matapos mapagbintangang nagnakaw ng tanso mula sa isang truck na sinasabing pag-aari ni San Nicolas, Batangas Mayor Lester de Sagun.

Mas mabigat ang alegasyon: bukod sa umano’y pananakit, pinagtangkaan pa raw idawit sa kasong droga ang mangingisda, kaugnay ng pagkakahuli sa kanya ng mga pulis ng San Nicolas Municipal Police Station.

Ngunit ayon sa impormasyong nakalap, pinalaya si Mateo matapos ang preliminary investigation ng piskalya, kung saan kinuwestiyon umano ang mga ebidensiyang ginagamit laban sa kanya.

Kung mapatutunayang may pananakit o pagtatanim ng ebidensiya, hindi ito simpleng abuso. Malubhang usapin ito ng paggamit ng kapangyarihan laban sa isang ordinaryong mamamayan.

Kaya ang tanong ngayon:

Mayor Lester De Sagun, ano ang paliwanag ninyo?

At sa mga pulis naman ng PNP San Nicolas Municipal Police Station na sangkot umano sa pag-aresto: saan nanggaling ang droga at ano ang ebidensiya sa alegasyon ng pagnanakaw?

Dapat ding siyasatin ng National Police Commission NAPOLCOM ang buong pangyayari. Kung inosente ang inaakusahan, linisin ang kanilang pangalan. Pero kung may nag-abuso, panagutin—kahit mayor pa o pulis ang sangkot.

Hindi lisensiya ang posisyon at uniporme para yurakan ang karapatan ng mahihirap.

Ang mga paratang laban sa mayor at mga pulis ay alegasyon hangga't hindi napatutunayan sa kaukulang proseso. Bukas ang pahinang ito sa kanilang panig at paglilinaw.

Address

Calamba
4027, 4028 - CANLUBANG, 4029 - CAMP VICENTE LIM (MAYAPA)

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manila News Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Manila News Today:

Shortcuts

Share