02/08/2025
โ๐ผ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐?โ: ๐ด๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ โ๐ด๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐โ
Written by ๐๐ข๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐
Layout by ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐๐ง๐ญ๐จ
Noon pa man, hindi maikakaila ang pagkahilig ng mga Pilipino sa musikaโmula sa kasiyahan hanggang sa kalungkutan at sa mismong pag-ibig. Sa mga panahong payak pa ang ligawan, musika ang naging tulay ng damdamin: ang makaluma, ngunit napakagandang paghaharana.
Isang gabi, tahimik ang paligid at tanging ilaw ng buwan ang gabay ng mga binatang nagtipon sa harap ng isang bahay. Bitbit nilaโy mga gitara, tansan, at tambolโkahit ano basta nakakapagbigay himig sa mang-aawit. Hawak ng ilan ang bulaklak habang ang isa, ang pinakabuo ang loob, ang siyang aawit. Halos marinig ang kaba sa kanyang hininga pero mas nangingibabaw ang pananabik. Sa piling ng kanyang mga kaibigan, sabay-sabay na silang umawit ng isang awiting puno ng pag-ibig; malumanay, marubdob, at totoo.
Sa itaas ng bahay ay bahagyang sumilip ang dalagang sinusuyo, kagat-labi at pilit itinatago ang kilig. Minsan paโy may kasamang ina o kapatid na nakamasid, mga ekspresyong hindi mabasa. Tahimik ang buong paligid subalit hindi naman magkamayaw ang kanyang damdamin sa kaba. Tila ba ang bawat nota ng kantaโy kumakatok sa kanyang puso.
Sa ilalim nang ningning ng mga bituin, may isang pagsuyo na pinaghalong kaba at pag-asa. Isang tagpo na puno ng tapang, saya, at pagnanais na marinigโhindi lang ang tinig, kundi ang damdaming matagal nang gustong ipagtapat.
Nakakagalak, nakakakilig at sa totoo lang, parang gusto mong ikaw naman ang suyuin, โdi ba?
Ngunit sa paglipas ng panahon, ang harana na minsang naging pamantayan ng panliligaw ay nagiging bihira na lamang. Mas madalas na lamang itong maranasan ngayon sa mga probinsya, sa mga baryong tahimik ang gabi at bukas ang mga bintana at puso. Sa gitna ng abalang lungsod kung saan mabilis ang takbo ng buhay at matataas na gusali ang pumapalibot, unti-unting napapalitan ang mga gitara at awitin ng mga mensahe sa chat at pagpindot sa mga dating apps tulad ng Bumble o Tinder.
Hindi ibig sabihin nito na naglaho na ang diwa ng pagsuyoโnagbago lang ito ng anyo. Sa halip na tumapat sa bintana at humawak ng gitara, ngayon ay sapat na ang maingat na pagpili ng kanta sa isang playlist, ang voice message na may halong kaba, o simpleng mensahe na nagsasabing โpakinggan mo โtoโ. Iba man na ang paraan, pareho pa rin ang layunin: maiparating ang damdamin sa paraang totoo, tapat, at mula sa puso.
Kaya bakit hindi natin buhayin muli ang diwa ng Harana? Hindi mo kailangang tumugtog ng gitara sa ilalim ng bintana (pero bakit hindi?). Sa panahon ngayon, sapat na ang isang kanta na may pusong iniaalay.
Para sa crush mong gusto mong alayan ng Spotify playlist, sa taong matagal mo nang gusto pero hindi masabi, o sa minamahal mong dapat maalala kung gaano siya kahalaga ay baka ito na ang simula ng sarili mong harana.
Narito ang 10 piling Original Pilipino Music (OPM) mula sa bagong henerasyon na ang bawat isa ay maaari mong gamitin sa panunuyo at maging tinig na rin ng iyong puso.