
27/05/2025
LALAKI, PATAY SA RABIES MATAPOS MAKAGAT NG A*O NOON AGOSTO 2024
Binawian ng buhay ang 31-anyos na factory worker nitong Mayo 18 matapos makagat ng a*ong may rabies noong Agosto 2024.
Kinilala ng nasawing biktima na si Janelo Limbing.
Ayon sa kwento ni Eva Peñalba, kinakasama ng biktima, nangyari ang insidente sa Cavite kung saan nakagat si Janelo ng isang a*ong nakatali sa labas ng bahay ng kapatid nito noong Agosto 2024.
Noong araw ding iyon, napansin ng mga kaanak ng biktima na namula ang mata ng a*o at tila naulol kaya pinatay nila ito.
Agad na nagpaturok si Janelo ng unang anti-rabies shot sa halagang P2,500, ngunit hindi na nito nakumpleto ang bakuna.
“Finollow up ko po naman po na next schedule mo na…Busy nga raw po, sayang naman daw po yung kikitain niya,” ani Eva.
Noong Mayo 15, nagkaroon ng lagnat si Janelo at dinala sa Cabuyao Hospital kung saan una siyang na-diagnose na may acid reflux. Pinalabas din siya kinabukasan.
Ngunit makalipas lamang ang ilang araw, nagsimulang lumabas ang mga tipikal na sintomas ng rabies gaya ng hirap sa paghinga, takot sa tubig, at takot sa hangin.
Muling dinala sa pagamutan si Janelo, ngunit noo'y disoriented na ito at hirap nang huminga.
“Sinabihan na po kami na i-re-refer daw po kami sa ospital po ng RITM sa Alabang, sa Muntinlupa. In-explain po nila na 48 hours na lang daw po yung itatagal [ng buhay niya],” kwento ni Eva.
Bago pumanaw, nagawa pa ni Janelo na magpaalam at mag-iwan ng huling habilin para sa kaniyang asawa at anak.
“Pasalamat ako sa aking asawa… at sa aking mga anak, mag-ingat kayo palagi.” sabi ni Janelo sa isang video.
lang oras lamang matapos makarating sa RITM, binawian ng buhay si Janelo noong Mayo 18.
Dahil sa banta ng rabies, inirekomenda ng mga espesyalista na i-cremate ang labi nito.
Source: GMA News