Lilet Finds

Lilet Finds DIY lover • Affiliate hunter •
(3)

12/04/2026

POV: Hindi naman ako tamad. Hindi rin ako kulang sa pangarap.

Ang totoo? Pagod lang ako mag-decide kung saan ko ilalagay ang sarili ko.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin,
bilang asawa?
bilang ina?
o yung mga pangarap na matagal ko nang gustong abutin?

Sa dami ng papel na ginagampanan ko,
sa pagitan ng lahat…
ako naman ang NAWAWALA🤍

Nakikita ko yung iba, parang kaya nila lahat.
May time sa sarili, may trabaho
Tapos ako, parang laging naghahabol.

Minsan napapaisip ako,
“Ako lang ba yung nahihirapan ng ganito?”

May mga gabing gusto ko na lang humiga at sabihin,
“Tama na. Ayoko na.”

Pero hindi pwede.
Kasi may mga matang nakatingin sa’kin na ako ang lakas nila.
May pamilyang umaasa.
May mga pangarap na ayokong ibaon na lang sa pagod.

Siguro hindi ko pa alam kung paano pagsabay-sabayin lahat.
Pero alam ko , hindi ako susuko.

Magulo? Oo.
Pagod? Sobra.
Pero titindig pa rin.
Kasi si Lilet to! At hindi ako basta-basta. 🤍

12/04/2026

Address

Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lilet Finds posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lilet Finds:

Share