Yasi Ivy Bethot

Yasi Ivy Bethot "With God all things are possible "(Matthew 19:26) Bakit MAHAL ang Products ni Nu Skin?

�Reason is because ORGANIC tayo. Dekalidad angproducts naten.

Walang chemical ingredients na pwedeng makaharm sa skin.

�Dahil matipid gamitin products naten. Sa mga matatagal ng sellers at customers ng Nu Skin, alam na nila yan. Kasi lahat ng products natin ay formulated sa natural ingredients, kahit konti lang epek na.

�Dahil ang binibenta ko/namin ay world class products. Hindi lang sa pinas kundi sa buong mundo. Global direct selling business tayo.

�Ou

r products are proven to diliver sarisfactory results.Our products are proven to be effective. Eto yung quality over price na tinatawag. Nutrition for the skin
( Nu Skin)
" All of the good, None of the bad"

20/02/2025

PNP, TINIYAK ANG KALIGTASAN NG PUBLIKO MATAPOS ANG MATAGUMPAY NA PAGLUTAS SA APAT NA KASO NG HOSTAGE-TAKING

Matagumpay na naresolba ng Philippine National Police (PNP) ang apat na magkakahiwalay na insidente ng hostage-taking sa iba't ibang lugar sa bansa. Lahat ng biktima ay ligtas na nailigtas, at agad namang naaresto ang mga suspek.

Ang mga insidente, na naganap mula Enero 20 hanggang Pebrero 18, 2025, ay naitala sa Manila, Batangas, Rizal, at Digos City. Dahil sa mabilis na pagresponde ng pulisya, nasagip ang mga biktima at naisampa ang kaukulang kaso laban sa mga sangkot.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil: "Ipinakita ng ating kapulisan ang kanilang dedikasyon at husay sa paghawak ng ganitong mga delikadong sitwasyon. Ang kaligtasan ng ating mamamayan ang aming pangunahing layunin, kaya patuloy nating paiigtingin ang ating mga estratehiya sa emergency response at pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang ganitong mga insidente."

Isa sa pinaka-nakababahalang kaso ay ang nangyari sa Taytay, Rizal, kung saan isang taong gulang na bata ang ginawang hostage ng kanyang sariling ama gamit ang isang karambit knife. Agad na inaresto ang suspek at sinampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and Their Children) at illegal possession of deadly weapons.

Sa Digos City naman, isang bata rin ang hinostage ng isang suspek na pwersahang pumasok sa kanilang bahay. Sa tulong ng mga residente, naaresto ang salarin at nasagip ang bata bago pa man lumala ang sitwasyon.

Samantala, sa Manila at Batangas, naganap ang dalawang magkahiwalay na hostage crisis sa loob ng isang printing shop at isang mall. Dahil sa agarang aksyon ng kapulisan, nailigtas ang mga biktima at naaresto ang mga suspek na sinampahan ng kasong illegal detention at possession of deadly weapons.

"Ang mga insidenteng ito ay patunay ng dedikasyon at husay ng ating kapulisan sa crisis management. Tinitiyak namin sa publiko na patuloy ang pagbabantay ng PNP upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, handang kumilos agad laban sa anumang banta sa seguridad. Sa kabuuan, ang mga pangyayaring ito ay pawang mga isolated incidents at hindi sumasalamin sa pangkalahatang antas ng peace and order sa bansa., dahil hindi ito kagagawan ng organized crime o senyales ng isang lumalalang problema, ," dagdag ni PGen. Marbil.

Patuloy na pinapalakas ng PNP ang mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko, alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bansa. Buo rin ang suporta ng gobyerno sa mga programa na magpapalakas sa crime prevention, law enforcement, at emergency response efforts.

Malaking papel ang ginampanan ng social media sa crisis response at public awareness, dahil nagbibigay ito ng real-time updates, tumutulong sa pagko-coordinate ng emergency efforts, at nagpapakalat ng mahahalagang safety advisories.

Hinihikayat ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag at gamitin nang responsable ang online platforms—mag-report ng credible na impormasyon at iwasan ang pagpapakalat ng maling balita.


20/02/2025

PNP NAGHAHANDA SA PAG-UWI NG MGA LABI NI PCOL PERGENTINO MALABED, JR.

Puspusan ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa pag-uwi ng mga labi ni Police Colonel Pergentino Malabed, Jr., ang hepe ng Supply Management Division ng Directorate for Logistics, na nasawi sa trahedya ng midair collision sa Washington, USA noong Enero 29, 2025.

Matatandaang si PCOL Malabed ay nasa opisyal na biyahe sa Amerika para sa pre-delivery inspection ng 2,675 all-purpose vests na bibilhin ng PNP. Matapos magtungo sa India para sa unang bahagi ng inspeksyon, lumipad siya patungong Amerika noong Enero 27 upang ipagpatuloy ang pagsusuri ng mga vest at mag-exit call kay PNP Police Attaché sa Washington D.C., PCOL Moises Villaceran. Ngunit sa kanyang paglipad mula Kansas patungong Washington, ang eroplanong sinasakyan niya—isang PSA Airline jet ng American Airlines na may 60 pasahero at 4 na crew members—ay nakabanggaan ng isang Sikorsky Black Hawk helicopter ng U.S. military habang papalapit sa Reagan Washington National Airport.

Ayon sa PNP, magsisimula ang official honors sa pagdating ng mga labi ni PCOL Malabed sa bansa ngayong Pebrero 20, 2025. Magkakaroon ng Foyer Honors sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ito dalhin sa Camp Crame, Quezon City, kung saan isasagawa ang Arrival Honors kasabay ng isang relihiyosong seremonya at pagbibigay ng pagpupugay sa pamamagitan ng pagbabantay ng Vigil Guards.

Nakatakdang isagawa ang necrological services sa Multi-Purpose Center ng Camp Crame, kung saan bibigyan ng pagkilala ang dedikasyon ni PCOL Malabed sa serbisyo.

Sa Febrero 27, 2025, nakatakda ang kanyang huling hantungan sa Memorial Gardens sa Sta. Rosa City, Laguna, kung saan isasagawa ang funeral honors bilang pagbibigay ng pinakamataas na pagpupugay sa kanyang kabayanihan.

Nagpaabot ng pakikiramay si PNP Chief, PGEN Rommel Francisco D. Marbil, sa pamilya ni PCOL Malabed at kinilala ang kanyang di-matatawarang serbisyo sa PNP:
"Si PCOL Malabed ay isang huwarang opisyal na nag-alay ng kanyang buhay sa pagseserbisyo sa bayan. Ang kanyang sakripisyo ay hindi malilimutan at magsisilbing inspirasyon sa ating hanay upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulang misyon sa pagpapalakas ng ating organisasyon."

Kasabay ng malungkot na pangyayaring ito, tiniyak ng PNP na ang pagbibigay ng kaukulang benepisyo sa pamilya ni PCOL Malabed ay alinsunod sa patakarang Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nagsusulong ng mas maayos at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga lingkod-bayan.

Bilang miyembro ng Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. (PSMBFI), makakatanggap ang pamilya ni PCOL Malabed ng accident death benefits na may kabuuang halagang PHP 2,698,140.84.

Sa kabila ng trahedyang ito, nananatiling matatag ang PNP sa pagpapakita ng pagkakaisa at suporta sa pamilya ng kanilang yumaong kasamahan. Ipinapakita ng mga seremonyang inihanda para kay PCOL Malabed ang pagpapahalaga sa kanyang dedikasyon sa serbisyo at ang pangako ng PNP na hindi malilimutan ang kanyang ambag sa organisasyon at sa bayan.


20/02/2025
17/02/2025

Address

Calamba
4027

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yasi Ivy Bethot posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Yasi Ivy Bethot:

Share