Canlubang Ngayon

  • Home
  • Canlubang Ngayon

Canlubang Ngayon An Online News Portal dedicated to bring fresh and recent news, information and events happening inside and outside the Barangay Canlubang.

TINGNAN: Naghain ng Motion For Leave to Intervene si OIC Edgar Mangubat sa COMELEC upang ipadiskwalipika na ng tuluyan s...
06/06/2024

TINGNAN: Naghain ng Motion For Leave to Intervene si OIC Edgar Mangubat sa COMELEC upang ipadiskwalipika na ng tuluyan si Larry Dimayuga dahil sa ginawa nitong maagang pangangampanya noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon.

Kasabay nito, hinihiling din niya sa COMELEC na siya na ang kilalaning Kapitan ng Barangay Canlubang dahil patay din umano ang unang kagawad na nakakuha ng pinakaramaming boto.

Sa aming pagiimbestiga, nakatakda na sanang maglabas ng resolusyon ang COMELEC sa susunod na linggo, kung sino kina Larry Dimayuga o Dexter Bathan ang uupo bilang kapitan ng Barangay Canlubang. Ngunit mas tumagal pa ito dahil sa panibangong resolusyon na inilabas ni OIC Edgar Mangubat.

Base naman sa aming impormante na malapit sa pamilya ni OIC Edgar Mangubat, papatagalin na lamang nila umano ang paggulong ng kaso sa COMELEC hanggang sa susunod na taon para si OIC Mangubat na lang ang umupo bilang Kapitan ng barangay Canlubang.

Amin namang hiningi ang panig ni Larry Dimayuga at Dexter Bathan tungkol sa issue ngunit hindi sila sumagot sa aming mga tawag o text.

- Allen Lopez | News Correspondent

Mula sa bumubuo ng Canlubang Ngayon, Isang pagbati ng Happy Mother's Day sa lahat ng mga dakila't magigiting na mga Ina ...
12/05/2024

Mula sa bumubuo ng Canlubang Ngayon, Isang pagbati ng Happy Mother's Day sa lahat ng mga dakila't magigiting na mga Ina at mga tumatayong ilaw ng tahanan sa kanilang mga pamilya.

Sa inyong mga kamay, natatagpuan namin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pag-aaruga. Walang sapat na salita upang maipahayag ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal at sakripisyo.

Muli, Happy Mother's Day po sa inyong lahat! ๐Ÿ’™


๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—ŸANO NA?Ilang buwan nakalipas kami ay tumahimik upang mag obserba sa paligid at sa buong canlubang.Ilang buwan n...
10/05/2024

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ

ANO NA?

Ilang buwan nakalipas kami ay tumahimik upang mag obserba sa paligid at sa buong canlubang.

Ilang buwan narin nakalipas ng namatay at humihingi ng hustisya ang pamilya ng Kgg Marion Cogay ngunit nawala na ito parang bula at hindi na binigyan ng pansin.

Ilang buwan narin ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala parin tayong AMA ng baranggay na syang tutugon at mamununo sa nasasakupan.

Ang hustisya ba at katotohanan ay talaga bang natatabunan dito sa Canlubang.

Mayor Ross Rizal kami ay sumuporta at umasa sa isang CALAMBAGO ngunit sa aming baranggay lahat ay wala parin pagbabago.

Maari ba itong isang issue lamang na sumakay ang mga pulitiko para mag HYPE kumilos tayo pagalawin nyo ang baso ng sa ganon maging maunlad ang aming baranggay,

Kami sa Canlubang Ngayon ay hindi titigil magbigay ng kaalaman at katotohanan sa lahat ng taga canlubang dahil tulad ninyo kami rin sya umaasa sa isang maunlad at masaganang barangay.

- (c) Allen Lopez | News Correspondent

Si Allen Lopez ay lehitimong taga-Barangay Canlubang, nakapagtapos ng AB Journalism sa Unibersidad ng Philippinas at kasalukuyang miyembro ng National Union of Journalist in the Philippines (NUJP).

๐—ฉ๐—ฃ ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—ฉ๐—˜๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—œ๐—•๐—ข๐—•๐—ข๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—กNanguna si Bise Presidente Sara Duterte...
28/04/2024

๐—ฉ๐—ฃ ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—ฉ๐—˜๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—œ๐—•๐—ข๐—•๐—ข๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

Nanguna si Bise Presidente Sara Duterte sa survey ng mga iboboto ng Pilipino para sa susunod na presidential elections.

Sa resulta ng survey na isinagawa ng Oculum Research and Analytics, umabot sa 42% ng mga respondents ang nagsabing si Duterte ang kanilang iboboto bilang pangulo.

Malayo ito kumpara sa iba pang presidential bets na sina Senador Raffy Tulfo na nakakuha lamang ng 17% at dating Bise Presidente Leni Robredo na may 10%.

Kasama rin sa mga lumabas na pangalan na posibleng iboto ng mga Pilipino sa pagkapresidente sina Iskor Moreno, Senador Imee Marcos at dating Senador Manny Pacquiao na pare-parehong nakakuha ng 4%.

Nasa 2% naman ng mga respondents ang nagsabing iboboto nila sa pagkapagulo si Senador Robinhood Padilla habang 0.4% para kay House Speaker Martin Romualdez.

(c) Allen Lopez | News Correspondent | Canlubang Ngayon

We're from CANLUBANG, of course WALA PA RIN KAMING KAPITAN.
23/02/2024

We're from CANLUBANG, of course WALA PA RIN KAMING KAPITAN.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Naghain si Larry Dimayuga ng Motion for Reconsideration sa Commission on Elections (COMELEC) upang ibasura ang ...
13/02/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Naghain si Larry Dimayuga ng Motion for Reconsideration sa Commission on Elections (COMELEC) upang ibasura ang inilabas nilang resolusyon noong Pebrero 5, 2024 tungkol sa kanyang diskwalipikasyon.

Sa 29 pahina, iginiit ni Larry Dimayuga na hindi siya nangampanya ng maaga bagkus ginagampanan lang niya ang kanyang tungkulin bilang kapitan ng Barangay Canlubang.

Ayon din sa dokumentong kayang iprinisinta, hindi umano siya namili o bumili ng boto nitong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan eleksyon at saksi umano ang Diyos dito.

Nanawagan sila ngayon sa COMELEC na siya ang iproklama bilang Kapitan ng Barangay Canlubang.

Atin namang hiningi ang panig ni Dexter Bathan tungkol sa issue ngunit hindi pa ito sumasagot sa aming mga tawag o text,.

Bukas naman ang Canlubang Ngayon para sa panig ni Larry Dimayuga at Dexter Bathan.

(c) Allen Lopez | News Correspondent | Canlubang Ngayon

๐——๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—”๐—ก๐—šSa pinal na desisyon na inilabas ng COMELEC, inutusan nito ang Barangay ...
08/02/2024

๐——๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—”๐—ก๐—š

Sa pinal na desisyon na inilabas ng COMELEC, inutusan nito ang Barangay Board of Canvasser ng Canlubang na iproklama na si Dexter Bathan bilang Kapitan ng Barangay Canlubang.

Ito ay matapos i-disqualify ng COMELEC si Larry Dimayuga at hindi na bilangin ang boto na nakuha nito dahil sa paglabag sa Section 80 of Omnibus Election Code.

Matatandaan na si Bathan ang sumunod na nakakuha ng pinakamataas na boto sa pagka-Kapitan noong nakaraang Barangay at SK election.

Dagdag pa ng COMELEC, mayroon 36 na Kapitan, Kagawad at SK Chairman ang kanila nang dinisqualify dahil sa kaliwa't kanang paglabag sa election code tulad ng maagang pangangampanya, pagbili ng boto at iba pa.

๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก - ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข. ๐——๐—œ๐— ๐—”๐—ฌ๐—จ๐—š๐—”, ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ค๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐——!๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Kopya ng desisyon ng COMELEC 2nd Division tu...
06/02/2024

๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก - ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข. ๐——๐—œ๐— ๐—”๐—ฌ๐—จ๐—š๐—”, ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ค๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐——!

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Kopya ng desisyon ng COMELEC 2nd Division tungkol sa diskwalipikasyon na isinampa laban kay Larry O. Dimayuga dahil sa pre-mature campaigning noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Sa anin na pahinang desisyon, pinagtibay ng COMELEC ang mga isinumiteng ebidensya at reklamo laban kay Larry O. Dimayuga tungkol sa maagang pangangampanya. Ayon sa COMELEC, hindi sila kumbinsido sa sinasabi ni Larry O. Dimayuga na taunang proyekto ng Barangay ang pamimigay tulong sa mga mag-aaral ng day care, solo parents, persons with disability at miyembro ng kapatiran ng Treskillon.

Matatandaan na ipinost pa ni Larry O. Dimayuga ang kanyang maagang pangangampanya sa kanyang page kasama ang ilan sa kanyang mga ka-ticket.

Ito umano ay malinaw na paglabag sa Section 80 of Omnibus Election Code kung kaya't kanilang pinagtibay ang diskwalipikasyon at hindi pahintulutang umupo si Larry O. Dimayuga bilang kapitan ng Barangay Canlubang.

Dahil dito, hindi na bibilangin ng COMELEC ang boto ni Larry Dimayuga at inuutusan ang Barangay Board of Canvassers ng Canlubang na iproklama ang kandidatong may pinakamataas na boto bilang Kapitan ng Barangay Canlubang.

Pinagtibay nina Commissioner Marlon Casquejo, Commissioner Rey Bulay at Commissioner Nelson Celis ang desisyon laban kay Larry O. Dimayuga.

(c) Allen Lopez | News Correspondent | Canlubang Ngayon

๐Ÿ‘๐Ÿ• ๐€๐๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐†๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐€๐“๐€๐†๐๐”๐€๐๐† ๐๐€๐“๐€๐˜ ๐’๐€ ๐‚๐€๐๐‹๐”๐๐€๐๐†, ๐‚๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€ ๐€๐“ ๐‡๐ˆ๐๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐˜ ๐๐€Natagpuang patay ang isang 37 anyos ...
06/02/2024

๐Ÿ‘๐Ÿ• ๐€๐๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐†๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐€๐“๐€๐†๐๐”๐€๐๐† ๐๐€๐“๐€๐˜ ๐’๐€ ๐‚๐€๐๐‹๐”๐๐€๐๐†, ๐‚๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€ ๐€๐“ ๐‡๐ˆ๐๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐˜ ๐๐€

Natagpuang patay ang isang 37 anyos na ginang sa isang madamong bahagi ng Saint Joseph the Worker Church sa kahabaan ng Old Canlubang Golf Course, Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna kahapon Pebrero-1.

Kinilala ang biktima na si Julie Ann Lofranco, mula Zamboanga Del Sur.

Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ng security guard ng Emirates Security Agency ang bangkay na walang saplot, habang ito ay nagpapatrol sa area pasado alas-7:00 ng umaga. Agad namang sinabi nito sa isang residente ang tungkol sa nakita.

Sa kabilang banda, wala umanong saksak o tama ng bala sa katawan ang bangkay, hindi rin nawawala ang cellphone, pera, pitaka at ang iniwang bag na nakabukas na may laยญmang pasaporte.

Samantaala, ang biktima na si Lofranco ay ang ikalawang biktima na ng r**e sa nasabing lugar. Matatandaang isa ring Japanese Trader ang pinatay doon.

๐—ž๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—›๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐—–๐—ข๐—š๐—”๐—ฌ, ๐—๐—ฅ. ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฃ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—กPatay si number 1 konsehal ng barang...
19/01/2024

๐—ž๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—›๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐—–๐—ข๐—š๐—”๐—ฌ, ๐—๐—ฅ. ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฃ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก

Patay si number 1 konsehal ng barangay Mario Cogay, Jr. matapos itong tambangan at pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay kaninang madaling araw.

Wala raw alam ang pamilya na may kagalit ang biktima at maging sa banta sa buhay nito.

Kaagad naman inutusan ni Mayor Ross Rizal ang Calamba PNP na magtatag ng special investigation task group para lutasin ang krimen. Sinusuri na rin ang mga CCTV footages na maaring makatulong sa imbestigasyon.

Nakiki-isa ang Canlubang Ngayon sa pakikiramay at panawagan ng hustisya para kay Konsehal Mario Castillo Cogay, Jr.

๐—ข๐—œ๐—– ๐—˜๐——๐—š๐—”๐—ฅ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—•๐—”๐—ง ๐—”๐—ง ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—œ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—–๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—จ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—ข๐—ก. ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐—–๐—ข๐—š๐—”๐—ฌDahil sa inilaba...
10/01/2024

๐—ข๐—œ๐—– ๐—˜๐——๐—š๐—”๐—ฅ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—•๐—”๐—ง ๐—”๐—ง ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—œ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—–๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—จ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—ข๐—ก. ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐—–๐—ข๐—š๐—”๐—ฌ

Dahil sa inilabas na desisyon ng COMELEC tungkol sa pagwawalang bisa ng diskwalipikasyon nila Konsehal Mario Cogay at Konsehala Kim Legaspi. Marami tuloy sa mga kawani ng barangay ang nangamba kung maipagpapatuloy ba ang mga magagandang proyekto at programa ng kasalukuyang OIC Edgar Mangubat.

Maraming mga usap-usapan kung ano ang kakayahan ni Konsehal Mario Cogay sa pagpaplano, pagpapatakbo ng barangay at lalong higit sa lahat ang paghawak ng malaking pondo ng Barangay Canlubang.

Sa atin pagsisiyasat at sa tulong na din ng ilang mga kawani ng barangay, ating napagalamanan na simula ng panunungkulan ni Konsehal Mario Cogay ay wala man lang itong naipanukalang batas para sa ikabubuti ng ating mga kabarangay. Bukod dito, maraming alegasyon ng korapsyon lalong lalo nasa usapin ng basura sa ating barangay.

Mismong taong barangay na din ang nagsabi sa Canlubang Ngayon na may pondo para sa tatlong beses kada linggo ang hakot ng basura sa ating barangay ngunit madalas ay hindi pa ito umaabot sa dalawa. Ito ay dahil sa ibinubulsa umano ni Konsehal Mario Cogay ang ilang araw na dapat ibayad para sa basura.

Ating hiningi naman ang panig ni Konsehal Mario Cogay tungkol sa issue na ibinabato sa kanya ng mga kawani ng Barangay Canlubang ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nasagot sa ating tawag.

(c) Therine Ocampo | News Correspondent | Canlubang Ngayon

๐—ข๐—œ๐—– ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—˜๐——๐—š๐—”๐—ฅ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—•๐—”๐—ง, ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌHalos mag-iisang buwan na mula ng matapos ang B...
27/11/2023

๐—ข๐—œ๐—– ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—˜๐——๐—š๐—”๐—ฅ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—•๐—”๐—ง, ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ

Halos mag-iisang buwan na mula ng matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan election ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ibinababa ang hatol ng diskwalipikasyon ni Larry Dimayuga sa COMELEC.

Dahil dito, binigyan ng kapangyarihan ng Department of Interior and Local Government (DILG) si OIC Edgar Mangubat na siya ang pansamantalang umupo bilang kapitan ng ating barangay.

Ngunit hindi umano makagalaw ng maayos at hindi maipagpatuloy ang ilan sa mga proyekto at programa ng barangay dahil araw-araw na nasa opisina ng barangay ang mag-asawang Larry at Eugenia Dimayuga na siyang nagmamando at nakikialam sa mga desisyon sa barangay.

Ayon sa ilang mga kawani ng barangay na aming nakausap, tila palamuti lang umano si OIC Mangubat dahil si Eugenia at Larry pa rin ang may huling desisyon sa lahat ng usapin ng barangay. Samantalang malakas ang ugong ugong na ibababa na ng COMELEC ang hatol na diskwalipikasyon laban kay Larry Dimayuga sa mga susunod na linggo.

Dagdag pa ng ilang kawani, mas mabuti sana na hayaan na lang muna si OIC Mangubat magpatakbo ng barangay dahil may basbas na din umano ito ni Mayor Ross Rizal at ng DILG. Masyadong kapit-tuko umano ang mag-asawang Dimayuga sa kapangyarihan.

Amin namang hiningi ang panig ni Larry Dimayuga tungkol sa issue ngunit hindi ito nagpaunlak ng panayam.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Canlubang Ngayon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Canlubang Ngayon:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share