06/06/2024
TINGNAN: Naghain ng Motion For Leave to Intervene si OIC Edgar Mangubat sa COMELEC upang ipadiskwalipika na ng tuluyan si Larry Dimayuga dahil sa ginawa nitong maagang pangangampanya noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon.
Kasabay nito, hinihiling din niya sa COMELEC na siya na ang kilalaning Kapitan ng Barangay Canlubang dahil patay din umano ang unang kagawad na nakakuha ng pinakaramaming boto.
Sa aming pagiimbestiga, nakatakda na sanang maglabas ng resolusyon ang COMELEC sa susunod na linggo, kung sino kina Larry Dimayuga o Dexter Bathan ang uupo bilang kapitan ng Barangay Canlubang. Ngunit mas tumagal pa ito dahil sa panibangong resolusyon na inilabas ni OIC Edgar Mangubat.
Base naman sa aming impormante na malapit sa pamilya ni OIC Edgar Mangubat, papatagalin na lamang nila umano ang paggulong ng kaso sa COMELEC hanggang sa susunod na taon para si OIC Mangubat na lang ang umupo bilang Kapitan ng barangay Canlubang.
Amin namang hiningi ang panig ni Larry Dimayuga at Dexter Bathan tungkol sa issue ngunit hindi sila sumagot sa aming mga tawag o text.
- Allen Lopez | News Correspondent