11/12/2025
Matinding Meltdowns dapat ko bang ishare??
Habang tumatagal mas natututo rin ako bilang Ausome Mom.. Siguro noon may mga times na naisheshare ko yung iba pero as time goes by naisip ko na..
Hindi dapat at hindi rin kailangan ipakita ang meltdown ng anak ko..
Here’s why in my own paliwanag
*Karapatan ng anak ko sa privacy.
Kahit autistic siya, may dignity at privacy siya. Ang meltdown ay vulnerable moment niya hindi niya ito pipiliin ipakita kung kaya lang niyang magsalita.
*Hindi lahat ng tao makakaintindi.
Masakit pero totoo, maraming magbibigay ng judgment kaysa understanding. Ikaw ang sasalo ng comments, pero siya ang magsa suffer in the future kapag nakita ng ibang tao.
*Future implications.
Habang lumalaki sila, mas nagiging aware sila. At minsan, nakakatatak sa kanila yung videos na iyon kapag nakita nila balang araw.
*Pwede namang mag-share without exposing.
Kung ang goal naman natin is to raise awareness or inspire other parents, maraming ways to share..
And i know kami rin, maproprotektahan.
Parenting a neurodivergent child is hard enough hindi na kailangan ng public pressure or unsolicited comments..
Basta masaya kami na nasheshare namin yung mga improvements ni Ash ❤️