24/08/2025
๐๐๐ก๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐ข ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐ข ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐ง ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง:๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐ง ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง: Espiritwal na Pagsamba ng FBRC 2025-139 sa Gitna ng Kanilang Pagsasanay.
Sa ilalim ng mapagkalingang pamumuno ni FSSUPT CHRISTINE D CULA, MPSA Acting Director ng NFTI at sa masusing paggabay ni FSUPT ELBERTO C MARQUESES JR., Chief Tactics/Chief OSA, isinagawa ang Sunday Worship ng Roman Catholic at Born Again na bumberong nagsasanay, isang araw ng espiritwal na pahinga, pasasalamat, at muling pagpapaalala kung bakit sila naririto.
Matapos ang tatlong linggo ng hirap, pagod, at pagsubok, ang mga bumberong nagsasanay ay nagtipon upang magnilay at magpahayag ng pasasalamat sa Diyos sa kani-kanilang paraan ng pagsamba.
Sa banal na misa ng mga katolikong bumberong nagsasanay, sa katahimikan ng panalangin at sa bawat pagtanggap ng Banal na Komunyon, naranasan nila ang kapayapaan ng puso na nagbibigay-lakas sa kanilang mga kaluluwa. Sa homilya, pinaalalahanan silang ang tunay na pagsunod sa Diyos ay nangangailangan ng sakripisyo at katatagan. Hindi madali ang landas ng paglilingkod, ngunit sa bawat pagsubok ay naroon ang Diyos na naglalakas at gumagabay. Ang pagsasanay ay hindi lamang pisikal o mental na hamon, kundi isang espiritwal na paglalakbay kung saan sinusubok ang kanilang pananampalataya.
Samantala, ang mga Born Again na bumberong nagsasanay ay sama-samang nagbuklod sa isang masiglang worship service. Sa pag-awit, panalangin, at pagtanggap ng Salita, naranasan nila ang panibagong sigla at lakas na nagmumula sa presensya ng Diyos. Sa sermon, ipinagdiin ang kahalagahan ng personal na relasyon kay Kristo bilang sandigan sa bawat hamon ng buhay. Sa kabila ng pagod at hirap, ang kanilang pananampalataya ang nagbigay-lakas at pag-asa upang magpatuloy sa kanilang misyon.
Sa magkakaibang paraan man ng pagsamba, iisa ang puso ng mga bumberong nagsasanay, ang pasasalamat, pagtitiwala, at paninindigang maglingkod nang may buong puso at matibay na pananampalataya sa Diyos.