04/11/2025
Sinuspinde ni Governor Doktora Helen Tan ang face-to-face classes mula Kinder hanggang Senior High School sa buong Quezon Province, maliban sa Lucena City, ngayong Miyerkules, Nobyembre 5.
Pansamantalang isasailalim sa alternative learning system ang mga klase.
WALANG PASOKโผ๏ธ
Dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Bagyong Tino, suspendido ang mga klase mula KINDER TO SENIOR HIGH SCHOOL AT ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (PUBLIC & PRIVATE) maliban sa LUCENA CITY (Highly Urbanized City) bukas, NOBYEMBRE 5, 2025 (MIYERKULES).
Habang ang mga klase sa KOLEHIYO at GRADUATE SCHOOL ay maaaring mag modular/ distance learning.
Mag-ingat at maging alerto po tayong lahat! ๐โ