05/07/2025
ONE JUAN | Paano mo iddescribe ang taong ikaw noong una kang pumasok sa colegio kung ikukumpara ngayon?
"Ay grabe ang lalim, kasi noong unang pasok ko dito kasi online class pa noon eh so siguro yung 2nd year ko kasi dun na nagkaroon ng hybrid. I guess ako noon ay pa easy easy lang, typical college student. Aral tas bahay tas explore ng iba’t ibang bagay pero ngayon parang nung patapos na ako ngayon na nagsisink in sa akin na “Ah, ito na pala yun”. Parang dito ko na maaply lahat ng natutunan ko dito sa Letran, pero may konting pressure pero excited din para sa real life experience, ayun. "
Sa panahon ng iyong mga taon ng pag-aaral mo dito sa colegio, anong karanasan ang lubos na nakatulong sa iyong paglaki bilang isang tao?
" Yung pagsali ko sa mga iba’t ibang mga organizations. Naging JMALC auditor ako, naging part din ng LVC tsaka CES. So ayun, mga volunteer works, andami kong natutunan dun, tapos sa LMC ah musician. I guess yun, pagka marami ka kasi na naeexplore na iba’t ibang bagay madami kang natutunan, iba’t ibang connections, iba’t ibang mga tao ang namimeet mo. Ayun, every projects has its own journey so iba’t ibang lesson talaga."
Hans Galang
BSBA Major in Marketing Management
School of Business Management and Accountancy