03/12/2025
Dec 1 2025 Jawbreaker Japan tour Nagoya Club Quattro
November 29 Wala pang ticket for the show kasi di pa sure kung makakapunta. Need to check pa kung ok schedule sa bahay and work. Uso kasi influenza at corona ulit dito Kaya Hirap bumili ng ticket in advance.
Nov 30, Nagsabi ulit Ako sa asawa ko kung pwede pumunta. Sabi ko May imeet Ako na friends(totoo) ,do some business(monkey) for Casa Buy(totoo), at Nood ng live show(hininaan ko ung Boses ko nito, para low impact lang ba). Siguro nag mamadali narin sya papuntang work kaya pumayag narin. Pasok parin sa sa early bird ticket and apparently di na sold out ung gig, di rin nag low ticket warning.
December 1 game day
After night shift work, naglaba muna at naglinis ng bahay Habang nanonood ng show ng jawbreaker sa yokohama. Konting basa ng lyrics. Magaling silang mag sulat ng lyrics. Pumilit Kong matulog ng konti kahit 2hours bago umalis, Pero hindi, sobrang excited kasi. Packed my bag, mga samplers, mga cd pang benta. At ung mga records ng jawbreaker. Putek di ko makita ung dear you. Na benta ko ata dati. Hahaha. Lagi nakakalimutan ung maker pang sign. Kaya dalwa na ung dinala ko.
Took a 2hours train going to nagoya. Pagdating ng nagoya, diskunion muna, mura dun. Naka score din ng LP for friends. Nag hunt ng items for client,na lahat ay sold out. Well nice try. 6pm na, Ramdam ko narin ung antok. Coffee muna at burger, nagcharge narin ng phone na kasing bilis ni Usain Bolt maubos ung battery.(iphone10, 10years ago)
Gig time. Ok din ung dalwang front act academy fight song at climb the mind(local band sa nagoya) nakita ko din ung mga nakilala ko from past gigs. Konting kwentuhan. Chamba nasaktuhan namin si Adam sa entrance, si Blake naman pag Kuha namin ng beer nakatambay sa May merch side. 2 sign check na agad. Maganda Laban.
Narinig ko sa chismis na di daw masyado ok ung first show then ung second show wala pa daw 1hour ung set nila. May break sila ng 2 days then Eto ng nagoya show. Kaya sa Isip ko, rested na sila. Considering naman sa age nila. Mahirap ng mag expect, Pero konting hits lang ok na ako. Need Ko rin umuwi if matatapos ng 1 hour set Nila Sakto lang. first song boxcar agad! Talaga! Pwede na akong umuwi first song palang. Sabi ni Blake “we’re gonna play all the hits to night” first 3 songs hits talaga. Pero ung kakilala ko na foreigner din binilihan Ako ng 2 beers. Bale 3 beers in na plus no tulog, putcha nag red life talaga Ako. Pero, ung 4th song Ache. Dun na talaga, para akong nakalaklak ng extra joss. F na f ko galing din kasi ni Blake, Napa luha din sya. From fifth song hanggang matapos para na akong crazy Philippine guy. Suntok sa ere, back tap sa katabi, senyas ng ok sa kabilang katabi, turo sa langit. Hala sige lang.
Natauhan lang ulit nung Narinig ko “i kissed the bottle i should have been kissing you” naalala ko ung train pauwi sa family ko. Putek di na aabutan ung last trip! Anyway. Tinapos ko na din at namigay ng music samplers na parang si Santa clause.
Paalis ng venue na, parang tinadhana na nakasabay namin si Chris sa elevator. Solid napapirmahan ko sa lahat ng member! Tinanong ko pa
Max: what are you going to do after the show?
Chris: maybe, eat. We’ve heard Taiwan ramen is good here.
Max: you should try tonkotsu ramen, that is pork based soup.
Chris: we’ve all ready ate that.
End of conversation.
After the show, first time kong sumama sa mga Japanese na kumaen, nagkataon lang.
Ganda ng kwentuhan namin. Anyway that’s a different story na.
Natulog Ako sa netcafe, took the earliest ride to home. Sakto naabutan ko na nagbrebreakfast pa lang mga kids kaya nahatid ko pa puntang nursery nila.
Isa lang na realize ko. Wala paring nakukulong na korakot na senador!