03/03/2025
"Hustisya… pero para kanino?" ⚖️🎭
Inihahandog ng Baitang 9 Hyacinth, isang dula na sumasalamin sa madilim na reyalidad ng ating lipunan. Isang kwento ng isang dalagang puno ng pangarap, ngunit unti-unting nawala sa mundong hindi siya pinakinggan.
Sa mundo ng pang-aapi, panghuhusga, at kawalan ng hustisya, may mga kwentong hindi naririnig—mga sigaw na binabalewala, mga luha na hindi pinapansin. Ngunit kailan ba natin pagbibigyang pansin ang sakit ng iba? Kailan natin aaminin na minsan, tayo mismo ang dahilan ng kanilang pagkawasak?
Sa entabladong ito, matutunghayan ninyo ang isang istoryang magpapaisip, magpapaluha, at mag-iiwan ng bakas sa inyong mga puso. Isa itong paalala na sa huli, ang hustisyang ipinagkait ay may kapalit.
Huwag palampasin ang pagtatanghal na ito. Dahil minsan, kailangan nating makita ang katotohanan sa harap natin para maunawaan kung gaano ito kasakit.
May hustisya pa nga ba sa mundong ito?
Caption: S.A.B