05/06/2025
Kahapon nakatambay kame sa labas around 5 pm kase nag ot si Dada kaya lumabas na lang kame ni paupau para din makapag laro siya .
Nagtagu taguan , bang sak , takbuhan , buhatan , asaran , tawanan at kwentuhan sila .
Ako nakaupo lang sa gilid habang pinagmamasdan sila , tska nakatingin din ako kay paupau at baka mapano siya . Siya kase isa sa pinaka bata dyan hehe sunod lang ng sunod habang nag tataguan at takbuhan yung ibang mga bata .
Habang nakatingin ako sakanila, napapasabi kana lang nakaka miss yung childhood moment ng buhay mo . Though at the of 11 years old nag end na yung childhood moments ko kase lagi nako kasama ni papa sa pagtitinda ng prutas noon 1st year high school ako .
Kaya feeling ko tapos na pagkabata ko nun . Kase di nako nakakapag laro after school deretso na ko tindahan namen .
Sometimes, nasasabi ko sa sarili ko ayokong maranasan ni paupau yung ganun buhay na naranasan ko o kahet buhay ng Dada niya noon . Pero sabi nga ng isang speaker na napanood ko ' Ayaw mo maranasan nang anak mo yung buhay mo noon , kase mahirap. E paano niya makikita yung realidad ng buhay kung ibibigay mo sakanya lahat ngayon na hindi siya nahihirapan. '
Yung hirap mo noon , ayun naging way para di ka mag asawa ng maaga , ayun naging way para magpursige kang makaahon sa buhay at magkaroon ng stable na trabaho .
Okay lang maranasan ng anak mo yung hirap minsan pero hindi ganun kahirap tulad sa buhay niyo . Okay lang maranasan yung pagod bago niya makakuha gusto niya pero di na tulad yung pagod mo noon bago mo makuha . Pero hayaan mo siyang maging masaya at ma enjoy pagkabata niya na hindi mo nasulit noon pero dapat matutunan niya yung pagiging responsable sa buhay niya ngayon na kasama kayo .
Ay share ko lang! 🥰